Temasek

Bahagi ng mapang Mao Kun mula sa Wubei Zhi na nakabatay sa mga mapang pangnabigasyon ni Zheng He noong unang bahagi ng ika-15 siglo na nagpapakita ng Temasek (淡馬錫) sa bandang kaliwa sa itaas.

Ang Temasek (o Temasik) ay sinaunang naitala na pangalan ng pamayanan na nasa puwesto ng modernong Singapore. Lumilitaw ang pangalan sa mga sinunang panitikan ng mga Malay at Habanes, at naitala rin ito sa mga Tsinong dokumento noong mga panahong Yuan at Ming bilang Danmaxi (Tsino: 單馬錫; pinyin: Dānmǎxī; Pe̍h-ōe-jī: Tan-má-sek o Tsino: 淡馬錫; pinyin: Dànmǎxī; Pe̍h-ōe-jī: Tām-má-sek).

Dalawang natatanging pamayanan ang naitala sa Temasek – Long Ya Men at Ban Zu. Ginagamit ang pangalan sa Singapore sa modernong panahon para sa mga pambansang karangalan pati na rin sa mga institusyon at korporasyon.


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search