Ang The Chosen ay isang Amerikanong pangkasaysayang dramang telebisyong seryeng nilikha, idinirekta, at isinulat ng Amerikanong gumagawa ng pelikulang si Dallas Jenkins. Ito ang unang seryeng multiseason tungkol sa buhay at ministeryo ni Jesus ng Nazaret. Pangunahing itinakda sa Judea at Galilea noong ika-unang siglo, ang serye ay umiikot kay Jesus at sa mga iba't-ibang taong nakakilala't sumunod sa kaniya. Ang serye ay pinagbibidahan ni Jonathan Roumie bilang si Jesus, kasama sina Shahar Isaac, Elizabeth Tabish, Paras Patel, Noah James, at George H. Xanthis. Matapos sabihin ni Jenkins na hindi kailanman nagkaroon ng multi-season na mga episodyong paglalarawan kay Jesus na maaaring "panoorin" tulad ng mga palabas sa mga daluyan ng streaming gaya ng Netflix, itinakda niyang likhain ang serye sa pakikipagtulungan sa Angel Studios na dating VidAngel. Sa layuning maiba sa mga naunang paglalarawan kay Jesus, gumawa siya ng arko ng kwentong higit na nakatuon sa mga taong nakatagpo ni Jesus. Sinabi niya sa mga panayam na hinahangad niyang ipakita si Hesus sa paraang mas "personal, pahiwatigan, [at] agaran". Gumamit ang mga producer ng palabas ng mga makabagong pamamaraan para sa pagpapalabas, sa pamamagitan ng crowdfunding sa Angel Studios. Ang pangangalap ng pondo ang dahilan kung bakit ang The Chosen ang pinakamatagumpay na crowdfunded na serye sa TV o pelikulang proyekto. Noong 2021, nag-ambag ang mga manonood ng $40 milyon para sa produksyon nito. Noong huling bahagi ng 2022, nakipagsosyo ang mga manlilikha sa isang bagong hindi-pangkalakal na kumpanya, ang Come and See Foundation, para pamahalaan ang pagpopondong nagbibigay-daan sa mga contributor na makatanggap ng bawas sa buwis para sa kanilang kontribusyon. Bilang karagdagan sa crowdfunding at ang pay-it-forward na modelo, nagkakaroon din ng kita sa pamamagitan ng ilang iba pang mga pamamaraan. Ang palabas ay lisensyado sa iba pang streaming platform at TV network, gaya ng Amazon Prime Video, Peacock, at Netflix. Ang mga benta ng merchandise at bidyo ay nagbibigay ng mga karagdagang pinagmumulan ng kita, tulad ng limitadong pagpapalabas ng premiere sa mga sinehan. Ang palabas ay higit pang inangkop sa isang serye ng mga nobela ng ama ni Jenkins, ang may-akdang si Jerry B. Jenkins, na isang serye ng grapikong nobela ng Corvus Comics, at kasamang mga materyal sa pag-aaral ng Bibliya na inilathala ni David C. Cook. Ang mga bagong episodyo ay unang ginawang available sa website at app ng palabas nang libre. Pagkatapos, ang mga ito ay ginawang available sa pamamagitan ng mga iba't-ibang streaming platform at TV network. Ang ilang mga episodyo, partikular ang mga season debut at finale, ay inilalabas sa mga sinehan bago lumabas nang libre. Ayon sa pagsusuring kinomisyon ng mga producer, 108 milyon ang nakakita ng kahit man lang bahagi ng palabas noong 2022. Ang pagsasalin sa kasing dami ng 600 wika ay pinopondohan ng Come and See Foundation.
© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search