Aklat ng mga Panaghoy

Lumang Tipan ng Bibliya

Ang Aklat ng mga Panaghoy o Mga Lamentasyon [1][2] (Ebreo: איכה, ekha, "aba") ay isa sa mga aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Isa itong katipunan ng limang mga tula ng paghibik na sanhi ng pagkakawasak ng Herusalem noong 586 BK o 587 BK.[1][3] Naganap din ang mga pagdadalamhati dahil sa naibungang pagkakatapon ng mga mamamayan ng Israel. Ginagamit ng mga Hudyo ang mga tulang ito sa kanilang taunang pag-aayuno para gunitain ang kapahamakang naganap sa kanilang bansa noong 586 BK.[2] Nilalarawang pambayan at pangsariling damdamin ng mga paghikbing ito, at dulot din ng mga paghihirap na natamo ng mga Hudyo mula sa mananakop na mga Babilonyano.[3] Tuwing Mahal na Araw naman ng mga Kristiyano, inaawit ng Simbahang Katoliko ang mga nilalaman ng Aklat ng mga Panaghoy. Ginagawa ito para "tangisan ang kalunus-lunos na kalagayan ng sambayanang Kristiyano."[1]

  1. 1.0 1.1 1.2 Abriol, Jose C. (2000). "Mga Panaghoy". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Aklat ng mga Panaghoy". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Reader's Digest (1995). "Lamentations". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search