Bautismo

Para sa ibang gamit, tingnan ang Binyag (paglilinaw).
Isang pagbibinyag.

Ang bautismo[1] at sa Simbahang Katoliko Romano ay tinatawag na Binyag ay isang ritwal ng paglulubog sa tubig sa mga Essene, ni Juan Bautista, kay Hesus bilang tanda na siya ang hinirang ng Diyos at sa Kristiyanismo. Sa Simbahang Romano Katoliko, ito ay isang sakramento na isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuhos ng banal na tubig sa may ulunan ng sanggol o maging nasa-edad na, bilang tanda ng pagiging bahagi niya sa pamayanang Kristiyano. Sa pamamagitan nito, inaasahang magiging mabuting Kristiyano ang binibinyagan. Tinatawag itong binyag sa Simbahang Katoliko Romano, subalit ginagamit ang salitang buhos kapag hindi pari ang nagsasagawa ng pagbibinyag. Isang pagdadalisay na pang-pananampalataya ang pagbabautismo sa pamamagitan ng banal na tubig. Ginagawa ang seremonyas na ito ilan pang mga relihiyon, bukod sa Katolisismo at Kristiyanismo, katulad ng Mandaenismo, Sikhismo at ilang mga sekta ng Hudaismo. Sa wikang Griyego.[2] Bukod sa paglulubog, isa ring paghuhugas sa pamamagitan ng tubig ang pagbabautismo na sumasagisag sa pagkakatanggal ng mga kasalanan ng isang tao, at sa pagsapi ng taong ito sa mag-anak ng Diyos, at sa kaniyang pagiging kaisa sa pagkamatay ni Hesus (dahil sa kasalanan ng tao) at sa muling pagkabuhay ni Hesus (sumasagisag sa bagong buhay).[3]

  1. English, Leo James (1977). "Binyag". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Abriol, Jose C. (2000). "Binyag, paglulubog, mula sa tala bilang 39 para sa Marcos 10:39, pahina 1,497". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. The Committee on Bible Translation (1984). "Baptize, Dictionary/Concordance, pahina B1". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search