Bayan ng Tondo

Tondo
ᜆᜓᜈᜇᜓ
Tundun
bago ang taong 900–1589
Ang Bayan ng Tondo, Pasig, at mga nakabababang mga barangay sa ilalim ni Dayang Kalangitan noong 1450.
Ang Bayan ng Tondo, Pasig, at mga nakabababang mga barangay sa ilalim ni Dayang Kalangitan noong 1450.
KatayuanMalayang estadong Barangay (ika-15 dantaon)
KabiseraTondo (isa na ngayong distrito ng Maynila)
Karaniwang wikaLumang Tagalog (opisyal), Kapampangan

Malay, Intsik (mga wikang pangkalakalan)
Relihiyon
Hinduismo, Budismo, Islam at mga katutubong paniniwalang pampananampalataya ng mga Tagalog
Pamahalaan"Bayan" na pinamumunuan ng isang Lakan, binubuo ng mga Barangay na pinamumunuan ng isang Datu at maling tinukoy bilang isang Monarkiya ng mga dayuhan
Lakan 
• c. 900
Jayadewa (una ayon sa Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna)
• 1558–1571
Lakandula
• 1575–1589
Magat Salamat (bilang datu)
• ?–1589
Agustin de Legazpi (huli)
PanahonPanahon ng Bakal
Gitnang Panahon
• Itinatag ang bayan
bago ang taong 900
• Diplomatikong ugnayan sa Kaharian ng Medang
c. 900
• Pakikipag-ugnayan sa Dinastiyang Ming
1373
• Pagsakop ng Imperyong Brunei
1500
• Labanan sa Kipot ng Bankusay
1571
• Pagkatuklas ng sabwatan ng Tondo, pagbuwag sa katutubong pamumuno at isinama na sa Silangang Indiyas ng Espanya
1589
SalapiPiloncitos, Mga gintong singsing, at Barter
Pinalitan
Pumalit
Sinaunang barangay
Kasaysayan ng Pilipinas
Kaharian ng Maynila
Bireynato ng Bagong Espanya
Silangang Indiyas ng Espanya
Bahagi ngayon ng Pilipinas
Preview warning: Page using Template:Infobox country with unknown parameter "region"
Preview warning: Page using Template:Infobox country with unknown parameter "continent"
Preview warning: Page using Template:Infobox country with unknown parameter "country"
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayang Prekolonyal ng Pilipinas
Tignan din: Kasaysayan ng Pilipinas

Ang Bayan ng Tondo (Baybayin: ᜆᜓᜈᜇᜓ; Kapampangan: Balen ning Tondo; Tsino: ; pinyin: dōngdū; Malay: Negara Tundun), tinatawag ring Tundo, Tundun, Tundok, Lusung, Tung-lio, Imperyong Luzon,[1] o Sinaunang Tondo, ay isang sinaunang sentro ng kalakalan sa Pilipinas na ang kabisera ay nasa look ng Maynila, ang Tondo sa kapuluan ng Luzon. Ito ay ang isa sa mga kabihasnan sa Pilipinas na nabanggit sa Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna noong taong 900. Ito ay kadalasang itinuturing ng mga dayo (partikular mga Tsino, Portuges at Kastila) bilang "Kaharian ng Tondo" (Baybayin: ᜃᜑᜍᜒᜀᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜆᜓᜈᜇᜓ) subalit ipinaliwanag na ito'y mali sa isa sa mga unang diksyunaryong Tagalog na Vocabulario de la lengua tagala ni Pedro de San Buenaventura noong 1613.

Kasama ang Bayan ng Maynila, ang bayan sa katimugang bahagi ng Ilog Pasig, nagtatag ito ng kabahaging monopolyo sa kalakalan ng panindang Tsino patungo sa buong kapuluan ng Pilipinas, na siyang naging dahilan upang maging malakas ang Tondo sa pakikipagkalakalan sa buong Timog-silangang Asya at Silangang Asya.

Kasunod ng pagdating ng mga Kastila noong 1570 at ang pagkatalo ng mga katutubong pinuno sa look ng Maynila noong 1571, ang Tondo ay pinamunuan mula sa Intramuros (isang tanggulang itinayo ng mga Kastila mula sa mga labi ng bayan ng Maynila). Ang tuluyang pagsakop ng Imperyong Kastila sa Tondo ay nagwakas sa katayuan nito bilang isang malayang estado. Kasalukuyan na lamang ito umiiral bilang isang distrito sa lungsod ng Maynila.

  1. https://books.google.com.ph/books?id=sY7EBAAAQBAJ&pg=PA31&lpg=PA31&dq=kingdom+of+tondo&source=bl&ots=fJ3K8tTeob&sig=waGJLIKTI0NLMiv4K3ssKFMoqBk&hl=en&sa=X&ved=0ahUKEwiQ74W_1ebRAhUBkJQKHSnqDxI4ChDoAQgmMAU#v=onepage&q=kingdom%20of%20tondo&f=false

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search