Calabarzon

Calabarzon

Timog Katagalugan
Rehiyong IV-A
Aguinaldo Shrine in Kawit, Cavite
Rizal Shrine in Calamba, Laguna
Crater lake of Taal Volcano
Taal Basilica
Hinulugang Taktak in Antipolo, Rizal
Mount Banahaw in Quezon
Mula sa kaliwa hanggang kanan, taas hanggang baba: Aguinaldo Shrine; Dambanang Rizal; Bulkang Taal; Basilika ng Taal; Hinulugang Taktak; Bundok Banahaw
Bansag: 
"Calabarzon sa Habang Panahon!"
Lokasyon sa Pilipinas
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°00′N 121°30′E / 14°N 121.5°E / 14; 121.5
Bansa Pilipinas
KapuluanTimog Luzon
Punong sentroCalamba
Pinakamalaking lungsodAntipolo
Lawak
 • Kabuuan16,873.31 km2 (6,514.82 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)[1]
 • Kabuuan16,195,042
 • Kapal960/km2 (2,500/milya kuwadrado)
Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao
 • HDI (2018)0.737[2]
Mataas · Ikalawa
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo ng ISO 3166PH-40
Mga lalawigan
Mga lungsod
Mga bayan123
Mga barangay4,011
Mga distritong pang-kapulungan19
Mga wika

Ang Calabarzon, opisyal na tinatawag bilang Timog Katagalugan at itinalagang Rehiyong IV-A, ay isang rehiyong pangangasiwaan ng Pilipinas. Binubuo ang rehiyon ng limang lalawigan: Batangas, Kabite, Laguna, Quezon, and Rizal at isang lubos na urbanisadong lungsod, ang Lucena. Ang rehiyon ay ang pinaka mataong rehiyon sa Pilipinas ayon sa Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas, ng binubuo ng 14.4 milyong mamamayan[3] noong 2020, at ang pangalawang may pinaka makapal na populasyon sunod sa Pambansang Punong Rehiyon.[1] Ang rehiyong sentro ng Calabarzon noong 2003 ay ang lungsod ng Calamba City na noon ay Lucena noong 2002.

Matatagpuan ang rehiyon sa timog silangan ng Kalakhang Maynila, at napapalibutan ng Look ng Maynila sa kanluran, Look ng Lamon at Bicol sa silangan, Look ng Tayabas at Dagat Sibuyan sa timog, at Gitnang Luzon sa hilaga. Ang rehiyon ay tahanan sa mga lugar katulad ng Bundok Makiling malapit sa Los Baños, Laguna at Bulkang Taal sa Batangas., Ang mga lungsod ng Lucena, Calamba at Tagaytay ang mga nahirang bilang kapitolyo at pederalismong kapitolyo.

Mula sa pagkakatatag nito bilang isang rehiyon, ang Calabarzon, kasama ang Mimaropa, lalawigan ng Aurora, at ilang parte ng Kalakhang Maynila, ay binuo ang makasaysayang rehiyon ng Timog Katagalugan, hanggang sa paghihiwalay nito noong 2002 sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 103.[4]

  1. 1.0 1.1 Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Sub-national HDI - Area Database - Global Data Lab". hdi.globaldatalab.org. Nakuha noong Marso 13, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. https://psa.gov.ph/content/population-region-iv-calabarzon-based-2015-census-population
  4. Padron:Cite act

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search