Ebanghelyo ni Marcos

Mga Aklat ng Bibliya

Ang Ebanghelyo ni Marcos o Ang Ebanghelyo ayon kay Marcos[1] ang ikalawang ebanghelyo sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ayon sa tradisyonal na paniniwala, ito ay isinulat ni Juan Marcos na kasama ni Apostol Pedro. Ayon naman sa karamihan ng mga eskolar ng Bibliya, ang may-akda nito ay isang hindi alam na Kristiyano at ang ebanghelyong ito ang pinakauna sa tatlong pang mga ebanghelyo sa kanon ng Bagong Tipan (Mateo, Marcos, Lucas at Juan). Ang aklat na ito ay isinulat noong mga 70 CE sa Syria at pinagbasehan ng Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas. Ang karamihan sa mga eskolar ng Bibliya ay naniniwala na dinagdag lamang ang Marcos 16:9-20 sa mga kalaunang manuskrito ng aklat na ito dahil wala ito sa mga sinaunang manuskrito nito. Sa ibang bersiyon nilagyan ito ng titulong "Ang Mahabang Pagwawakas ng Magandang Balita Ayon kay Marcos." Ngunit ibinibigay din ang maiksing bahagi bilang Ang Maikling Pagwawakas ng Magandang Balita Ayon kay Marcos.

  1. Abriol, Jose C. (2000). "Ang Ebanghelyo ayon kay Marcos". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), kasama ang talababa 35 na nasa pahina 1486.

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search