Bro. Eddie C. Villanueva | |
---|---|
![]() | |
Personal na detalye | |
Isinilang | Eduardo C. Villanueva 6 Oktubre 1946 Bocaue, Bulacan, Pilipinas |
Asawa | Sis. Adoracion "Dory" Villanueva |
Anak | Eduardo "Jon-Jon" Villanueva, Jr. Emmanuel Joel Villanueva Eleanor Joni Villanueva-Tugna Edelisha "Jovi" Villanueva |
Trabaho | Tagapanguna at Pangulo ng Jesus is Lord Church Worldwide Telebanghelista May-ari ng ZOE Broadcasting Network May-akda Tagapagsalita |
Websitio | broeddie.ph |
Si Eduardo Cruz Villanueva ay (ipinanganak 6 Oktubre 1946), higit na kilala sa pangalang Brother Eddie, ay isang telebanghelista at ang kasalukuyang tagapanguna at pangulo ng Jesus Is Lord Church Worldwide (JILCW) na isa sa pinakamalaking simbahan na nakasentro kay Kristo, nakasentro sa Bibliya, at lubos sa ebanghelyo.
Si Bro. Eddie ay dating komunista at ateista, radikal na aktibista, at parlamentaryanong nasa kalye na pinaglaban ang mga karapatan ng mga sektor na nabibigyan ng boses sa lipunan. Noong panahon ng pamumuno ni Ferdinand Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas at panahon ng batas militar sa Pilipinas, nakulong siya ng dalawang beses dahil sa paglaban kasama ang mga naapi para sa kanilang karapatan laban sa mga sindikato ng mga nag-aagaw ng lupa.
Naging kandidato siya sa pagkapangulo noong 2004 at 2010 na halalan sa Pilipinas[1][2] at naging kandidato sa pagka-senador[3][4] na lahat sa ilalim ng Partido Bangon Pilipinas. Nabigo siya maging Pangulo ng Pilipinas sa parehong halalan na nabanggit. Gayon din, natalo siya sa halalan ng 2013 at hindi naging isa sa mga senador ng Pilipinas.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search