Fernando Amorsolo

Fernando Amorsolo
Kapanganakan
Fernando Cueto Amorsolo

30 Mayo 1892
Kamatayan24 Abril 1972(1972-04-24) (edad 79)
NasyonalidadPilipino
LaranganPagpipinta
Pinag-aralan/KasanayanLiseo ng Maynila, Pamantasan ng Pilipinas, Akademya ng San Fernando
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Sining Biswal
1972

Si Fernando Cueto Amorsolo (30 Mayo 1892 – 24 Abril 1972) ay isa sa mga pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas.[1] Si Amorsolo ay pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining. Ipinanganak sa Paco, Maynila, nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909.[2][3]

Bagaman nakapaglakbay sa ibang mga bansa, kung saan namulat ang mga mata ni Amorsolo sa mga dayuhang pamamaraan ng pagguhit at pagpinta, naging adhikain niya ang makalikha ng mga larawang makabayan at puno ng kasaysayan.[4] Sa panahon man ng kapayapaan o digmaan,[5] nanatili ang diwang ito sa isipan ni Amorsolo, na nagbunga naman ng mga dibuhong may pagpapahalaga sa paghubog, pag-unlad, at pagtatala ng tunay at natatanging katauhan, ngiti, damdamin at kaluluwa ng mga mamamayang Pilipino.[6][7] Dahil sa mga gawa at gawain ng kaniyang malikhaing mga kamay, sa tulong ng pinsel at pintura, tinagurian si Amorsolo bilang unang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas.[1]

  1. 1.0 1.1 Hallman, Tim. "Pioneers of Philippine Art: Luna, Amorsolo, Zobel. Asian Art Museum Presents First Exhibition of Filipino Art at Civic Center Home." AsianArt.org, 11 Agosto 2006 Naka-arkibo 2012-02-20 sa Wayback Machine., kinuha noong: 2 Hulyo 2007.
  2. Fernando C. Amorsolo, About Culture and Arts, Cultural Profile, NCCA.gov.ph, 2002 Naka-arkibo 2008-03-15 sa Wayback Machine., kinuha noong: 30 Hunyo 2007
  3. Fernando Amorsolo Biography, Encyclopedia of World Biography on Fernando Amorsolo, Thomson Gale, The Thomson Corporation at BookRags.com, 2006, kinuha noong: 30 Hunyo 2007
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang GlobalPinoy); $2
  5. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Ocampo); $2
  6. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Anciano); $2
  7. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang benesa); $2

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search