Gusali

Ang Gusali ng Hôtel de Ville sa Pransiya
Ang Toreng Petronas ay isang halimbawa ng Palapag na gusali
Ang gusaling Chrysler ay isang halimbawa ng Palapag na gusali

Ang gusali o edipisyo (mula sa kastila edificio) ay isang estruktura na ginagawang opisina, kondominyum, paaralan at marami pang iba. Maaari rin tawaging gusaling tukodlangit kung ang pag babasihan ang taas (kinakailangang higit pa sa 150 m o 492 ft ang taas). Importante ang gusali sa isang umuunlad na lungsod.

Gawa ng tao ang mga gusali na mayroong bubong at mga pader kadalasang nananatiling nakatayo sa isang lugar, tulad ng isang bahay o pabrika. Mayroong iba't-ibang hugis, laki, at, silbi ang mga gusali, at sa paglipas ng panahaon ay tuluyang nagbabago dahil sa maraming bagay, mula sa mga matatagpuang kasngkapang panggawa, hanggang sa lagay ng panahon, partikular na punsyon ng mga gusali, at pagpapaganda sa kapaligiran.

Maraming uri ang mga gusaling pantirahan, mula sa mga kubo hanggang sa milyun-milyong dolyar na mga apartment na kayang makapagpatira ng libu-libong tao. Ang pagdami ng mga tumitira sa mga gusali (at pagliit ng distansya sa pagitan ng mga gusali) ay kadalasang nagdudulot ng mataas na halaga ng lupa bunga ng maraming taong gustong tumira malapit sa kanilang mga pinagtatrabahuhan o mga bagay na tulad nito.

Maaaring masira ang mga gusali habang ginagawa o isinasaayos ang mga ito. Maidadahilan din ang pagkasira ng mga gusali sa mga bagyo, pagsabog, at paglubog na dulot ng pagmimina o mahinang pundasyon. Maaari ring maapektuhan ng sunog o pagbaha ang mga gusali. Maaari ring magkasira-sira ang ga ito dahil sa di pag aalkaga o maling pag-aayos dito.

Ayon sa isang teorya o pag-aaral ang unang gusaling nagawa ay maitatalang 500,000 taon nang nakalipas kaya may posibildad na mawasak ito dahil sa sunog, lindol at iba pang panganib.


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search