Kabihasnang Maya

Detalye ng Lintel 26 mula sa Yaxchilan

Ang Kabihasnang Maya ay isang Mesoamerikanong kabihasnan o sibilisasyon na kilala sa pagiging tanging nag-aangkin ng buong nilikhang isinulat na wika nito sa bago-Columbian na Amerika gayundin sa sining, arkitektura, matematikal at mga astronomika na mga sistema nito. Ito ay simulang itinatag noong yugtong bago-Klasiko (c. 2000 BK hanggang 250 BK) ayon sa kronolihiyang Mesoamerikano. Marami sa mga siyudad ng Maya ang umabot sa pinakamataas na antas ng pag-unlad sa yugtong Klasiko(c. 250 CE hanggang 900 CE) at nagpatuloy sa kabuuan ng Pagkatapos-na-Klasikong yugtong hanggang sa pagdating ng mga Kastila sa Timog Amerika.

Sa sukdulan nito, ito ang pinakamasinsing populasyon at mga lipunang may kasiglahan ang kultura sa buong mundo.[1]

Namuhay ang mga taong nagsasalita ng Wikang Maya sa Guwatemala at Timog Mehiko sa loob ng may 3,000 mga taon. Dating mga mangangalap ng pagkain, mga maninila, at mga mangingisda ang mga Maya, bago naipakilala sa kanila ang pagsasaka ng kapit-bahay na mga tribo (hindi nalalaman ng mga arkeologo kung kailan talaga naganap ang pagpapakilala sa pagbubukid). Naniniwala silang si Yum Kaax (literal na "panginoon ng mga kagubatan"), ang diyos ng mais. Umunlad ang mga Maya bilang mga magsasaka.[2]

Kaugnay ng wika, nakalikha ang mga Maya ng isang sistema ng hiroglipikong pagsusulat. Lumikha sila ng kalendaryo. Kaugnay ng mga kasangkapan, naging tagagawa sila ng mga pasong gawa sa putik. Nagtayo sila ng mabusising mga libingan, mga templo, at mga kahang yari sa bato.[2]

Ang kalendaryong Maya na batay sa tinatawag na Mesoamerikanong Mahabang Bilang na kalendaryo ay nagsimula sa petsang Agosto 11, 3114 BCE. Ang misinterpretasyon ng Mesoamerikanong Mahabang Bilang na kalendaryo ang basehan ng paniniwalang Bagong Panahon na ang isang kataklismo ay magaganap sa Disyembre 21, 2012. Ang Disyembre 21, 2012 ay simpleng araw na ang kalendaryo ay pupunta sa susunod na b'ak'tun.

  1. "Painted Metaphors: Pottery and Politics of the Ancient Maya". University of Pennsylvania Almanac. Pamantasan ng Pensilbanya. 4/7/2009. Nakuha noong 2009-06-17. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  2. 2.0 2.1 "Maya". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Indians of North America, pahina 197-198.

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search