Kasaysayan

Si Herodoto ang itinuturing na "Ama ng Kasaysayan."

Kasaysáyan[1][a] ang sistematikong pag-aaral at pagdodokumento sa nakaraan. Madalas tumutukoy ito sa nakaraan matapos ang pag-imbento sa pagsulat; ang panahon bago ang puntong ito ay tinatawag naman na prehistorya. Para malaman ng mga historyador ang mga kaganapan sa nakaraan, naghahanap sila at pinag-aaralan ang mga mapagkukunang nila ng impormasyon, tulad ng mga nakasulat na dokumento, pasalitang paglalarawan, sining, at materyal na artipakto, gayundin ang mga iniwang bakas sa kalikasan.[3] Dahil patuloy na gumagalaw ang oras, hindi makukumpleto ang kasaysayan, at hindi kailanman makukuha ng mga historyador anf kumpletong larawan patungkol sa isang pangyayari nang walang kiling.

Isang larangan ang kasaysayan na gumagamit ng naratibo upang mailarawan, maipaliwanag, kwestyunin, at suriin ang mga pangyayari sa nakaraan, pati na rin ang pag-imbestiga sa kahalagahan at ang sanhi at bunga ng naturang pangyayari sa isang lugar o sa mundo. Pinagdedebatehan ng mga historyador ang kalikasan ng kasaysayan, at ang silbi nito sa paghugis sa mga problema sa kasalukuyan.[4]

Madalas ginugrupo bilang mga pamanang kultural ang mga kuwentong karaniwan sa isang kultura, tulad halimbawa ng mga kuwentong-bayan kagaya ng kay Haring Arturo sa Britanya at ang kuwento ng Sampung Datu ng Borneo sa Pilipinas.[5] Iba ang kasaysayan mula sa mito dahil sa pagkakaroon nito ng mga ebidensiyang mapapatunayan. Malawak ang modernong pag-aaral ng kasaysayan, mula sa malalawak na paksa tulad ng kasaysayan ng sangkatauhan hanggang sa mga napakatiyak tulad ng kasaysayan ng isang lungsod. Bahagi ito ngayon ng kurikulum ng maraming mga bansa sa mundo, at tinuturo bilang asignatura sa mababa at mataas na edukasyon, gayundin bilang isang kursong inaalok ng mga pamantasan.

Si Herodoto ang kinokonsiderang "Ama ng Kasaysayan" dahil siya ang itinuturing na unang historyador ng Kanluraning Mundo.[6] Kinekredit siya pati na rin ang kontemporaryo niyang si Thucydides bilang mga nagpasimula sa kasaysayan bilang isang lehitimong pag-aaral sa Europa. Samantala, sa Silanganing Mundo, nakasulat sa Mga Tala ng Tagsibol at Taglagas ang opisyal na 241 taong kasaysayan ng Estado ng Lu (ngayo'y bahagi ng Tsina), bagamat maliit na bahagi na lang nito ang nananatili sa kasalukuyan.

  1. "kasaysayan - Diksiyonaryo". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 13 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "historya - Diksiyonaryo". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 13 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Arnold, John H. (2000). History: A Very Short Introduction [Kasaysayan: Isang Maikling Pagpapakilala] (sa wikang Ingles). New York: Oxford University Press. ISBN 019285352X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Richard J. Evans (2001). "The Two Faces of E.H. Carr" [en]. History in Focus (sa wikang Ang Dalawang Mukha ni E. H. Carr). University of London. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Agosto 2011. Nakuha noong 13 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  5. Lowenthal, David (2000). "Dilemmas and Delights of Learning History" [Mga Dilema at Kasiyahan sa Pagkatuto sa Kasaysayan]. Sa Peter N. Stearns; Peters Seixas; Sam Wineburg (mga pat.). Knowing Teaching and Learning History, National and International Perspectives [Pag-intindi, Pagturo, at Pagtuto sa Kasaysayan, Pambansa at Pandaigdigang Perspektibo] (sa wikang Ingles). New York & London: New York University Press. p. 63. ISBN 978-0814781418.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Halsall, Paul. "Herodotus" [Herodoto]. Internet History Sourcebooks Project (sa wikang Ingles). Fordham University. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Nobyembre 2020. Nakuha noong 13 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search