Kasaysayan ng Pilipinas

Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayan ng Pilipinas
Maagang Kasaysayan (bago mag-900)
Taong Callao at Taong Tabon
Pagdating ng mga Negrito
Mga Petroglipo ng Angono
Kalinangang Liangzhu
Pagdating ng mga Austronesyo
Kulturang Hade
Panahong Klasikal (900–1565)
Bansa ng Mai (971–1339)
Bayan ng Pulilu (????–1225)
Bayan ng Cainta (????–1572)
Bayan ng Kaboloan (1406–1576)
Bayan ng Tondo (900–1589)
Kaharian ng Maynila (1258–1571)
Kaharian ng Namayan (1175–1571)
Kadatuan ng Madyaas (1080–1569)
Kadatuan ng Dapitan (????–1595)
Karahanan ng Cebu (1200–1565)
Karahanan ng Butuan (1001–1521)
Karahanan ng Sanmalan (1011–1899)
Kasultanan ng Maguindanao (1515–1888)
Kasultanan ng Buayan (1350–1905)
Mga Sultanato ng Lanao (1616–1904)
Kasultanan ng Sulu (1405–1915)
Panahong Kolonyal (1565–1946)
Panahon ng Kastila (1565–1898)
Pamumunong Britaniko (1762–1764)
Silangang Kaindiyahan ng Kastila
Himagsikang Pilipino (1896–1898)
Katipunan
Unang Republika (1899–1901)
Panahon ng Amerikano (1898–1946)
Digmaang Pilipino-Amerikano (1899–1902)
Sampamahalaan ng Pilipinas (1935–1942, 1945–1946)
Pananakop ng Hapon (1942–1945)
Ikalawang Republika (1943–1945)
Panahong Kontemporanyo (1946–kasalukuyan)
Ikatlong Republika (1946–1972)
Diktadurya ni Marcos (1965–1986)
Ikalimang Republika (1986–kasalukuyan)
Palatakdaan ng oras
Kasaysayang militar
 Portada ng Pilipinas

Napetsahan ang pinakamaagang aktibidad ng hominin sa kapuluang Pilipinas ng hindi bababa sa 709,000 taon na nakalipas.[1] Nasa pulo ng Luzon ang Homo luzonensis, isang espesye ng sinaunang mga tao, noong mga hindi bababa sa 67,000 taon na nakalipas.[2] Nagmula sa Yungib ng Tabon sa Palawan ang pinakamaagang kilalang makabagong anatomikong tao na nabuhay ng mga 47,000 taon nakalipas.[3] Ang mga Negrito ang unang pangkat na unang nanirahan sa Pilipinas bago ang naitalang kasaysayan nito.[4] Noong mga 3000 BC, naglayag ang mga Austronesyo, na siyang mayorya ng kasalukuyang populasyon, mula sa Taiwan patimog hanggang narating ang mga pulo na tinatawag ngayong Pilipinas.[5]

Ang pinakamaagang naitalang kasaysayan ng Pilipinas ay matatagpuan sa Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna na mayroong petsang 822 Shaka (900 AD sa kalendaryong Gregoryano).[6] Nilalahad sa inskripsyon ang pagpatawad sa pakakautang ng isang tao na nagngangalang Namwaran, kasama ang kanyang mga anak na si Dayang Angkatan at Bukah. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong Marso 16, 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang lungsod sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonisasyon ng Espanya na nagtagal ng mahigit tatlong siglo.

Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ngunit ang Kasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ng Digmaang Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Iginawad ang bahagyang pagsasarili noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula sa Komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ng Hapon sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Natalo ang mga Hapones noong 1945 at naganap ang muling-pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa kampanya ng pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya naibigay lamang ang ganap na kalayaan sa Pilipinas noong Hulyo 1946.

Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960, subalit nagkaroon ng kaguluhan noong mga huling taon ng dekada 1960 at mga unang taon ng dekada 1970 laban sa mapang-aping diktadura ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagpahayag ng batas militar noong 1972. Dahil sa malapit na relasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan kay Pangulong Marcos, sinuportahan pa rin siya ng Estados Unidos kahit na kilala ang kanyang administrasyon sa malawakang katiwalian at pang-aabuso sa mga tao. Ang mapayapang Rebolusyon sa EDSA noong 1986 ang nagpatalsik kay Marcos (na tumakas sa Hawaii lulan ng isang helikopter na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan siya nanatili hanggang sa siya'y mamatay) at ang nagbalik ng demokrasya sa bansa. Ngunit nang nagsimula ang panahong iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pulitika at humina ang ekonomiya ng bansa.

  1. Ingicco, T.; van den Bergh, G.D.; Jago-on, C.; Bahain, J.-J.; Chacón, M.G.; Amano, N.; Forestier, H.; King, C.; Manalo, K.; Nomade, S.; Pereira, A.; Reyes, M.C.; Sémah, A.-M.; Shao, Q.; Voinchet, P.; Falguères, C.; Albers, P.C.H.; Lising, M.; Lyras, G.; Yurnaldi, D.; Rochette, P.; Bautista, A.; de Vos, J. (Mayo 1, 2018). "Earliest known hominin activity in the Philippines by 709 thousand years ago". Nature (sa wikang Ingles). 557 (7704): 233–237. Bibcode:2018Natur.557..233I. doi:10.1038/s41586-018-0072-8. PMID 29720661. S2CID 13742336.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mijares, Armand Salvador; Détroit, Florent; Piper, Philip; Grün, Rainer; Bellwood, Peter; Aubert, Maxime; Champion, Guillaume; Cuevas, Nida; De Leon, Alexandra; Dizon, Eusebio (Hulyo 2010). "New evidence for a 67,000-year-old human presence at Callao Cave, Luzon, Philippines". Journal of Human Evolution (sa wikang Ingles). 59 (1): 123–132. doi:10.1016/j.jhevol.2010.04.008. PMID 20569967.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Détroit, Florent; Dizon, Eusebio; Falguères, Christophe; Hameau, Sébastien; Ronquillo, Wilfredo; Sémah, François (Disyembre 2004). "Upper Pleistocene Homo sapiens from the Tabon cave (Palawan, The Philippines): description and dating of new discoveries". Comptes Rendus Palevol (sa wikang Ingles). 3 (8): 705–712. doi:10.1016/j.crpv.2004.06.004.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Reid, Lawrence A. (2007). "Historical linguistics and Philippine hunter-gatherers". Sa L. Billings; N. Goudswaard (mga pat.). Piakandatu ami Dr. Howard P. McKaughan (sa wikang Ingles). Manila: Linguistic Society of the Philippines and SIL Philippines. pp. 6–32. The Negrito groups are considered to be the earliest inhabitants of the Philippines... genetic evidence (the occurrence of unique alleles) suggests that the Negrito groups in Mindanao may have been separated from those in Luzon for twenty to thirty thousand years (p.10).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Bellwood, Peter; Fox, James J.; Tryon, Darrell, mga pat. (2006). The Austronesians: Historical and Comparative Perspectives. Comparative Austronesian Series. ANU Press. pp. 37–38. ISBN 978-1-920942-85-4. JSTOR j.ctt2jbjx1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Postma, Antoon (Abril–Hunyo 1992). "The Laguna Copper-Plate Inscription: Text and Commentary". Philippine Studies (sa wikang Ingles). Ateneo de Manila University. 40 (2): 182–203. JSTOR 42633308.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search