Katipunan

Katipunan
Maagang watawat ng mga rebolusyonaryo ng Katipunan
DaglatKKK[a]
MottoTingnan ang Kartilya ng Katipunan
Humalili saLa Liga Filipina
PagkakabuoJuly 7, 1892
TagapagtatagsDeodato Arellano, Andrés Bonifacio, Valentín Díaz, Ladislao Diwa, José Dizon and Teodoro Plata.
Itinatag sa72 Calle Azcárraga, San Nicolas, Manila
BinuwagMarch 22, 1897[kailangan ng sanggunian]
UriLihim na lipunan ng militar
Katayuang legalDefunct
LayuninTingnan ang Katipunan aims
Kasapihip
Masonic
Wikang opisyal
Tagalog, regional languages
Presidente Supremeo (Kataastaasang Pangulo)
Deodato Arellano (1892–1893)
Román Basa (1893–1895)
Andrés Bonifacio (1895–1897)
Main organ
Kalayaan (napetsahan noong Enerp 1896, pinublisa nong Marso 1896)[kailangan ng sanggunian]
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayan ng Pilipinas
Maagang Kasaysayan (bago mag-900)
Taong Callao at Taong Tabon
Pagdating ng mga Negrito
Mga Petroglipo ng Angono
Kalinangang Liangzhu
Pagdating ng mga Austronesyo
Kulturang Hade
Panahong Klasikal (900–1565)
Bansa ng Mai (971–1339)
Bayan ng Pulilu (????–1225)
Bayan ng Cainta (????–1572)
Bayan ng Kaboloan (1406–1576)
Bayan ng Tondo (900–1589)
Kaharian ng Maynila (1258–1571)
Kaharian ng Namayan (1175–1571)
Kadatuan ng Madyaas (1080–1569)
Kadatuan ng Dapitan (????–1595)
Karahanan ng Cebu (1200–1565)
Karahanan ng Butuan (1001–1521)
Karahanan ng Sanmalan (1011–1899)
Kasultanan ng Maguindanao (1515–1888)
Kasultanan ng Buayan (1350–1905)
Mga Sultanato ng Lanao (1616–1904)
Kasultanan ng Sulu (1405–1915)
Panahong Kolonyal (1565–1946)
Panahon ng Kastila (1565–1898)
Pamumunong Britaniko (1762–1764)
Silangang Kaindiyahan ng Kastila
Himagsikang Pilipino (1896–1898)
Katipunan
Unang Republika (1899–1901)
Panahon ng Amerikano (1898–1946)
Digmaang Pilipino-Amerikano (1899–1902)
Sampamahalaan ng Pilipinas (1935–1942, 1945–1946)
Pananakop ng Hapon (1942–1945)
Ikalawang Republika (1943–1945)
Panahong Kontemporanyo (1946–kasalukuyan)
Ikatlong Republika (1946–1972)
Diktadurya ni Marcos (1965–1986)
Ikalimang Republika (1986–kasalukuyan)
Palatakdaan ng oras
Kasaysayang militar
 Portada ng Pilipinas


Ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan[1] o mas kilala bilang Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol.

Naitatag ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892, matapos na mahuli at maipatapon si Jose Rizal na isa sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda at siya ding tagatatag ng La Liga Filipina, na kung saan miyembro rin si Andres Bonifacio. Ang La Liga ay binubuo ng mga panggitnang uri na intelektual o mga ilustrado na nagtataguyod ng mapayapang reporma. Ang paghahadlang ng rehimeng Espanyol sa La Liga ang nagpatunay kay Andres Bonifacio na walang saysay ang mapayapang reporma sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Ito ay binuo sa isang bahay sa Kalye Azcarraga (ngayon ay Abenida Claro M. Recto) sa Tondo, Maynila.

Dahil sa isang pagiging lihim na samahan, isinailalim ang mga kasapi nito sa lubusang paglilihim at inaasahan sila na tumalima sa mga patakarang ipinapairal ng samahan.[2] Ang mga nais sumapi sa samahan ay pinadadaan sa seremonya ng pagbunsod upang maging ganap na kasapi. Noong una, ang mga kalalakihang Pilipino lamang ang tinatanggap, ngunit noong lumaon ay nagpapasapi na rin sila ng mga kababaihan. May sariling pahayagan ang Katipunan, na tinatawag na Kalayaan na nagkaroon ng una at huling paglimbag noong Marso 1896. Umusbong ang mga kaisipan at gawaing rebolusyonaryo sa samahan, at pinayaman ng ilang mga tanyag na kasapi nito ang literatura ng Pilipinas.

Sa pagpaplano sa rebolusyon, nakipagtalastasan si Bonifacio kay Rizal para sa kaniyang lubos na pagsuporta sa Katipunan kapalit ng pangako ng pagsagip kay Rizal mula sa pagkapiit. Noong Mayo 1896, isang delegasyon ang pinadala sa Emperador ng Hapon para makalikom ng pondo at mga sandata. Nabunyag ang Katipunan sa pamahalaang Kastila noong umamin ang isang kasapi na si Teodoro Patiño sa kaniyang kapatid na babae ukol sa mga ilegal na gawain ng Katipunan, at kinalaunan sa madreng pinuno ng Ampunang Mandaluyong. Pitong taon matapos ang pagkakatuklas ng mga Kastila sa Katipunan, pinunit ni Bonifacio at ang kaniyang mga tauhan ang kanilang mga cedula sa Sigaw sa Pugadlawin, na nagpasimula ng Rebolusyong Pilipino.


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang katipunan answered); $2
  2. Woods 2006, p. 43

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search