Kim Il-sung

Dakilang Mariskal ng Republika
Walang Hanggang Pinuno ng Juche Korea

Kim Il-sung
김일성
Litratong opisyal ni Kim habang nakasuot ng ternong Mao, circa dekada 1960.

Ika-1 Pangkalahatang Kalihim ng Partido Manggagawa ng Korea
Nasa puwesto
(Komite Sentral)
12 Oktubre 1966 – 8 Hulyo 1994
KalihimChoe Yong-gon
Kim Il
Pak Kum-chol
Ri Hyo-son
Kim Kwang-hyop
Sok San
Ho Pong-hak
Kim Yong-ju
Pak Yong-guk
Kim To-man
Ri Kuk-jin
Kim Jung-rin
Yang Hyong-sop
O Jin-u
Kim Tong-gyu
Han Ik-su
Hyon Mu-gwang
Kim Jong-il
Hwang Jang-yop
Kim Yong-nam
Kim Hwan
Yon Hyong-muk
Yun Ki-bok
Hong Si-hak
Sinundan niKim Jong-il

Pangulo ng Hilagang Korea
Nasa puwesto
28 Disyembre 1972 – 8 Hulyo 1994
PremiyerKim Il
Pak Song-chol
Ri Jong-ok
Kang Song-san
Ri Kun-mo
Yon Hyong-muk
Kang Song-san
Pangalawang PanguloChoe Yong-gon
Kang Ryang-uk
Kim Tong-kyu
Kim Il
Pak Song-chol
Rim Chun-chu
Ri Jong-ok
Kim Pyong-sik

Ika-1 Premiyer ng Hilagang Korea
Nasa puwesto
(Gabinete)
9 Setyembre 1948 – 28 Disyembre 1972
Unang Pangalawang PremiyerKim Il
Pangalawang PremiyerPak Hon-yong
Hong Myong-hui
Kim Chaek
Kim Il
Jong Il-ryong
Nam Il
Pak Ui-wan
Jong Jun-thaek
Kim Kwang-hyop
Kim Chang-man
Ri Jong-ok
Ri Ju-yon
Pak Song-chol
Choe Yong-jin
Sinundan niKim Il (Konseho ng Pangasiwaan)
Pansariling detalye
Ipinanganak
Kim Song-ju (김성주)

15 Abril 1912(1912-04-15)
Heijō, Heian'nan-dō, Chōsen
Namatay8 Hulyo 1994(1994-07-08) (edad 82)
Kondado ng Hyangsan, Lalawigan ng Hilagang Pyongan, Hilagang Korea
HimlayanPalasyong Araw ng Kumsusan, Pyongyang
Partidong pampolitika Partido Manggagawa ng Korea
Ibang ugnayang
pampolitika
Partido Manggagawa ng Hilagang Korea (1946–1949)
Partido Komunista ng Tsina (1931–1946)
AsawaKim Jong-suk (1941-1949)
Kim Song-ae (1952-1994)
AnakKim Jong-il
Kim Man-il
Kim Kyong-hui
Kim Kyong-jin
Kim Pyong-il
Kim Yong-il
MagulangKim Hyong-jik (ama)
Kang Pan-sok (ina)
Alma materAkademyang Militar ng Whasung
Mataas na Paaralan ng Jilin Yuwen
Pirma
Serbisyo sa militar
Katapatan
Sangay/Serbisyo Hukbong Bayan ng Korea
Hukbong Pula
Nagkakaisang Hukbong Anti-Hapones sa Hilagang-Silangan
Taon sa lingkod
  • 1948–1994
  • 1941–1945
Ranggo
Taewŏnsu (대원수)
Dakilang Mariskal
YunitIka-88 Seperadong Brigadang Riple (Hukbong Pula)
AtasanKataas-taasang Komandante
Labanan/DigmaanDigmaang Koreano
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Pagkakasapi sa Institusyong Sentral at Ibang Tanggapang Hinawakan
  • 1992-1993: Tagapangulo; Komisyon ng Tanggulang Pambansa ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea
  • 1982–1994: Tagapangulo; Komisyong Militar Sentral ng Partido Manggagawa ng Korea
  • 1980–1994: Kasapi; Presidyo ng Kawanihang Pampolitika ng Ika-6 Komite Sentral ng Partido Manggagawa ng Korea
  • 1972-1992: Tagapangulo; Komisyon ng Tanggulang Pambansa ng Komiteng Bayang Sentral ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea
  • 1970–1982: Tagapangulo; Komisyong Militar ng Komite Sentral ng Partido Manggagawa ng Korea
  • 1970–1980: Kasapi; Komiteng Pampolitika ng Komite Sentral ng Partido Manggagawa ng Korea
  • 1966–1994: Kalihiman ng Partido Manggagawa ng Korea
  • 1966–1970: Kasapi; Komiteng Permanente ng Komiteng Pampolitika ng Komite Sentral ng Partido Manggagawa ng Korea
  • 1961–1970: Tagapangulo; Komiteng Pampolitika ng Komite Sentral ng Partido Manggagawa ng Korea
  • 1956–1961: Kasapi; Komiteng Permanente ng Komite Sentral ng Partido Manggagawa ng Korea
  • 1950-1972: Kataas-taasang Komandante; Hukbong Bayan ng Korea (hanggang 1991)
  • 1949–1966: Tagapangulo; Komite Sentral ng Partido Manggagawa ng Korea
  • 1948–1994: Diputado; Ika-1-9 na Kataas-taasang Asembleyang Bayan
  • 1947–1948: Tagapangulo; Komiteng Bayan ng Hilagang Korea
  • 1946–1994: Kasapi; Ika-1-6 na Komite Sentral ng Partido Manggagawa ng Korea
  • 1946–1956: Kasapi; Komiteng Pampolitika ng Komite Sentral ng Partido Manggagawa ng Korea
  • 1946–1949: Pangalawang Tagapangulo; Komite Sentral ng Partido Manggagawa ng Hilagang Korea
  • 1946–1947: Tagapangulo; Komiteng Bayang Probisyonal ng Hilagang Korea
  • 1945–1946: Tagapangulo; Kawanihan ng Hilagang Korea ng Partido Komunista ng Korea

Hilagang Korea Ika-1 Kataas-taasang Pinuno ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea
(Setyembre 9, 1948 - Hulyo 8, 1994)

Si Kim Il-sung (Abril 15, 1912Hulyo 8, 1994), ipinanganak na Kim Song-ju, ay isang Koreanong manghihimagsik at politiko na nagtatag ng Hilagang Korea at naging unang kataas-taasang pinuno nito. Namahala siya mula sa pagkalikha ng bansa noong 1948 hanggang sa kanyang pagkamatay nang 1994, kung kailan hinalinhan siya ng kanyang panganay na anak na si Kim Jong-il. Naglingkod siya bilang unang premiyer at tanging pangulo ng Hilagang Korea, Tagapangulo at Pangkalahatang Kalihim ng Partido Manggagawa ng Korea, at Kataas-taasang Komandante ng Hukbong Bayan ng Korea. Inilahad niya ang pilosopiyang Juche, ang ideolohiyang pang-estado ng Hilagang Korea na nakabatay sa sosyalismo, pag-aasa sa sarili, at nasyonalismong Koreano.

Isinilang sa isang aktibistang pamilya sa panahon ng paglupig sa Korea, naging gerilyang anti-Hapones si Kim sa kanyang pagkabata. Naimpluwensyahan siya ng mga makakaliwang ideolohiya at sumali sa mga organisasyong radikal tulad ng Partido Komunista ng Tsina. Matapos mahati ang tangway ay naglingkod siya bilang pinuno ng pamahalaang probisyonal sa sonang Sobyetiko at nangasiwa sa pagkatatag ng kasalukuyang estado ng Hilagang Korea. Pinasimuno niya ang pagsalakay sa Timog Korea noong 1950 na humantong ng Digmaang Koreano, na tumigil noong 1953 sa pagkapatas. Kasunod ng labanan ay muling itinayo ni Kim ang bansa sa ilalim ng sentralisadong ekonomiyang planado. Nagtamasa ang Hilagang Korea ng mas mataas na antas ng pamumuhay noong dekada 1960 at 1970 kaysa sa Timog, na noo'y dumaranas ng krisis sa politika at ekonomiya. Nagbago-bago ang mga relasyon niya sa Unyong Sobyetiko at Tsina, partikular nang pinagsikapan niyang ilagay ang Juche sa praktika sa pamamagitan ng mga polisiyang isolasyonista at pagiging malaya sa mga larangan ng politika, ekonomiya, at militar. Gayunpaman, labis pa rin na umasa ang Hilagang Korea ng mga subsidyo at pinansiyal na tulong mula sa URSS at Silangang Bloke, at lubos na naapektuhan ang ekonomiya ng bansa nang nabuwag ang mga ito. Nagdulot ito sa malawakang taggutom noong 1994, na naging sanhi sa pagkamatay ng tinatayang 240 libo hanggang 3.5 milyong mamamayan. Sa panahong ito ay nanatiling kritikal ang Hilagang Korea sa itinuturing nitong imperyalistang presensya ng mga pwersang pandepensa ng Estados Unidos sa katimugan. Inagaw ng bansa ang barkong USS Pueblo noong 1968, na bahagi ng kampanyang impiltrasyon at subersyon para ipag-isa ang Korea sa ilalim ng pamamahala ng hilagang estado. Nasa tanggapan ng halos 46 na taon, siya ang ikatlong pinakamatagal na di-makaharing punong pampamahalaan sa ika-20 dantaon. Nalampasan ni Kim sa buhay ang kanyang mga kaalyadong sina Iosif Stalin ng apat na dekada at Mao Zedong ng halos dalawang dekada, at nanatili sa kapangyarihan sa panahon ng panunungkulan ng anim na pangulo ng Timog Korea at sampu sa Estados Unidos.

Itinuturing na totalitaryong diktador, patuloy na nangingibabaw ang kulto ng personalidad ni Kim sa Hilagang Korea, at sinasabing mas matindi kina Stalin at Mao. Maihahalintulad ang paglalarawan sa kanya sa pigura ng Konfusyanong ama na karapat-dapat sa lubusang paggalang at pagmamahal ng sambayanan. Binigyan siya ng iba't-ibang titulong di-opisyal at papuri lamang, ngunit ang pinakamahalaga ay ang "Dakilang Pinuno", na naging kolokyal na katawagan upang tukuyin siya. Ang kalendaryong Juche na nagsisilbing sistema ng pagbibilang ng mga taon sa bansa ay nagsisimula sa 1912, ang taon ng kanyang kapanganakan. Ipinagdidiriwang ang kanyang kaarawan sa Abril 15 at kinikilala bilang "Araw ng Araw". Itinalaga siya ng saligang batas noong 1998 hanggang 2016 bilang "Walang Hanggang Pangulo ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea". Tinatayang halos 1.6 milyong tao ang namatay sa ilalim ng kanyang rehimen sa pamamagitan ng pagpapatay, pagpupurga, at paglagay sa mga kampo ng sapilitang paggawa. Inihanda niya ang kanyang anak na si Kim Jong-il na humalili sa kanya, na naganap noong pumanaw siya noong 1994. Dahil dito, siya ang kauna-unahang pinunong komunista na nagtatag ng pamamahalang dinastiko. Patuloy na naghahari ang dinastiyang kanyang itinatag sa Hilagang Korea, kung saan kasalukuyang pinangungunahan ng kanyang apo na si Kim Jong-un.


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search