Kipot ng San Juanico

Ang Kipot ng San Juanico, tanawin mula sa Tulay ng San Juanico.

Ang Kipot ng San Juanico ay isang makitid na kipot sa Pilipinas.[1] Pinaghihiwalay nito ang mga pulo ng Samar at Leyte, at ang nag-uugnay sa Look ng Carigara (Dagat Samar) sa Look ng San Pedro sa Golpo ng Leyte. Mayroon itong tinatayang haba na 38 kilometro (24 mi), at sa pinakamakitid na bahagi nito, ay mayroon lamang itong lawak na 2 kilometro (1.2 mi).

Ang kipot ay tinatawiran ng Tulay ng San Juanico. Tumatawid din ang linya ng kuryente na HVDC Leyte–Luzon sa pamamagitan ng isang linya sa itaas sa 11°23′36″N 124°59′04″E / 11.39333°N 124.98444°E / 11.39333; 124.98444, gamit ng isang tore sa isang hindi tinitirhan na pulo sa kipot. Ang pantalan ng Lungsod ng Tacloban, ang pangunahing daungan ng Silangang Kabisayaan, ay nasa Look ng Cancabato sa katimugang pasukan ng kipot.[2]

  1. "San Juanico Strait: Philippines". Geographical Names. Geographic.org. Nakuha noong 28 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Port Mananagement Office of Tacloban". Philippine Ports Authority. Nakuha noong 28 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search