Kristiyanismo

Bahagi ito ng serye hinggil sa
Kristiyanismo

Kasaysayan ng Kristiyanismo
Mga Alagad
Mga kapulungang ekumenikal
Malakihang Pagkakapangkat
Pagbabago

Trinidad
Diyos Ama
Kristo Anak ng Diyos
Banal na Espiritu

Bibliya
Lumang Tipan
Bagong Tipan
Apokripa
Mga Ebanghelyo
Sampung Utos
Pangaral sa Bundok

Teolohiyang Kristiyano
Pagliligtas · Biyaya
Pananampalatayang Kristiyano

Simbahang Kristiyano
Katolisismo
Ortodoksiya
Protestantismo

Mga denominasyong Kristiyano
Mga kilusang Kristiyano
Ekumenismong Kristiyano

Ang Kristiyanismo ay Abrahamiko at monoteistang relihiyon na nakabatay sa buhay at mga aral ni Hesu Kristo, ang itinataguriang Anak ng Diyos at tagapagligtas ng sangkatauhan. Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking relihiyon sa mundo, na may humigit-kumulang 2.4 bilyong kasapi o 31.2% ng pandaigdigang populasyon.

Ang Kristiyanismo sa simulang kasaysayan nito noong mga maagang siglo nito ay hindi isang nagkakaisang kilusan ngunit binubuo ng mga pangkat na may mga magkakatunggaling pananaw na gumagamit ng mga iba't ibang kasulatan.[1] Ang kanon ng Bagong Tipan (na tinatanggap ng marami ngunit hindi lahat ng Kristiyano sa ngayon) na nabuo lamang noong ika-4 siglo CE ang kanon na pinagpasyahan ng isang pangkat ng Kristiyano. Sa karagdagan, ang mga kasunduan sa teolohiya ay nabuo lámang sa mga Unang Pitong Konsilyo na nagsimula lamang noong ika-4 siglo CE kung saan ang pangkat na nanalo sa mga halalang ito ang naging ortodoksiya. Ang mga konsehong ito ay inumpisahan ni Emperador Constantino upang maabot ang isang pagkakaisa ng mga magkakatunggaling sektang Kristiyano sa kanyang Imperyong Romano. Sa mga konsehong ito na kinondena ng nanalong ortodoksiya ang kanilang mga katunggaling sektang Kristiyano na natalo sa mga halalang ito bilang mga eretiko. Ang ortodoksiya ang ginawang opisyal na relihiyon ng Imperyo Romano ni Emperador Theodosius I at kanyang sinupil ang ibang mga sektang Kristiyano gayundin ang mga relihiyong pagano na katunggali ng ortodoksiyang ito. Kalaunan, ang ortodoksiya ay nagkabaha-bahagi sa iba't ibang mga pangkat dahil sa mga hindi mapagkasunduang doktrina.

Ang mga pagkakabaha-bahaging ito ay nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon dahil sa mga iba't ibang magkakatunggaling interpretasyon tungkol sa tunay na kalikasan at mga katuruan ni Hesus. Ang mga karamihan sa mga sektang ito ay nag-aangkin na sila ang isang totoong simbahang Kristiyano at ang ibang mga sektang Kristiyano ay hindi totoo.

  1. http://www.pbs.org/wgbh/pages/frontline/shows/religion/story/pagels.html

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search