Lupalop

Isang gumagalaw (animated) na mapang nagpapakita sa kontinente (naka-Ingles), nakahiwalay base sa kulay. Depende sa napagkasunduan at modelo, maaaring maipaghiwalay o maipagsama ang mga ito: halimbawa, madalas inihihiwalay ang Eurasya sa kontinente ng Europa at Asya (pula), samantalang madalas pinagsasama ang Hilaga at Timog Amerika bilang Kaamerikahan (lunti).

Ang kontinénte (mula salitang Espanyol continente, na mula naman sa salitang Latin continere, "nagbubuklod"), lupálop, dakpúlu (mula Hilagaynon)[1], o labwád (mula Kapampangan)[1], ay isang lupain na malaki at malawak.[1] Pito ang karaniwang tinatanggap na bilang ng mga kontinente, madalas dahil sa kumbensiyon imbes na ayon sa isang pamantayan. Nakaayos paalpabeto, ang pitong rehiyong itong ay ang: Asya, Aprika, Antartika, Awstralya (madalas ring tinatawag na Awstralyasya o Osiyanya), Europa, Hilagang Amerika, at Timog Amerika.[2] Minsan, pinagsasama ang ilang kontinente, tulad ng Eurasya (Eurasia), Apro-Eurasya (Afro-Eurasia), at Kaamerikahan (Americas).

Sa larangan ng heolohiya, ang kontinente ay ang sakop na kabalatang kontinental (continental crust) ng mga plato (plates). Madalas isinasama rin sa mga ito ang mga nabasag na bahagi (continental fragment) o mikrokontinenteng tulad ng Madagascar na hindi karaniwang itinuturing kontinente. May ilan ding mga kontinente na nakalubog, tulad ng kontinente ng Selandiya (Ingles: Zealandia). Ang Daigdig lamang ang planetang natukoy na may kabalatang kontinental.[3]

Madalas pinapangkat ang mga isla sa karagatan sa karatig-kontinente nito upang mahati ang buong mundo sa pitong rehiyon. Sa ilalim ng sistemang ito, ginugrupo kasama ng Awstralya ang karamihan sa mga kapuluan at isla sa Karagatang Pasipiko sa isang rehiyong tinatawag na Oseaniya (Oceania).

  1. 1.0 1.1 1.2 "kontinente". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong Oktubre 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. "Continents: What is a Continent?" [Mga Kontinente: Ano ang isang Kontinente?] (sa wikang Ingles). National Geographic. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Hunyo 29, 2006. Most people recognize seven continents—Asia, Africa, North America, South America, Antarctica, Europe, and Australia, from largest to smallest—although sometimes Asia and Europe are considered a single continent, Eurasia. (Kilala ng karamihan ang pitong kontinente— Asya, Aprika, Hilagang Amerika, Timog Amerika, Antartika, Europa, at Awstralya, pinakamalaki papaliit— kahit na paminsan-minsan, tinuturing bilang iisang kontinente ang Asya at Europa, ang Eurasya.){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Choi, Charles Q. "Did Ancient Mars Have Continents?" [May mga Kontinente Ba ang Sinaunang Mars?]. Space.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search