Maynila

Maynila

ᜎᜓᜅ᜔ᜐᜓᜇ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜋᜌ᜔ᜈᜒᜎ
في أمنيلله

Lungsod ng Maynilà
Manila
(Paikot sa kanan, simula sa taas): Panoramang urbano ng Maynila, Gusaling Panlungsod ng Maynila, Binondo, Palasyo ng Malakanyang, Simbahan ng Tondo, Look ng Maynila, Bantayog ni Rizal, Tanggapan ng Koreo ng Maynila
(Paikot sa kanan, simula sa taas): Panoramang urbano ng Maynila, Gusaling Panlungsod ng Maynila, Binondo, Palasyo ng Malakanyang, Simbahan ng Tondo, Look ng Maynila, Bantayog ni Rizal, Tanggapan ng Koreo ng Maynila
Watawat ng Maynila
Watawat
Opisyal na sagisag ng Maynila
Sagisag
Palayaw: 
"Perla del Oriente", "The City of Our Affections", "City by the Bay", "La Insigne y Siempre Leal Ciudad"
Bansag: 
Ang Bagong Maynila
Manila, God First
Mapa ng Kalakhang Maynila na inilalarawan ng kinalalagyan ng Maynila.
Mapa ng Kalakhang Maynila na inilalarawan ng kinalalagyan ng Maynila.
Map
Maynila is located in Pilipinas
Maynila
Maynila
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°35′45″N 120°58′38″E / 14.5958°N 120.9772°E / 14.5958; 120.9772
Bansa Pilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon (NCR)
Lalawigan
DistritoUna hanggang Pang-anim na Distrito ng Maynila
Mga barangay897 (alamin)
Pagkatatag24 Hunyo 1571
Ganap na Bayan
Ganap na Lungsod24 Hulyo 1574
Pista22 Hunyo
Pamahalaan
 • Punong LungsodHoney Lacuña- Pangan
 • Pangalawang Punong LungsodYul Servo
 • Manghalalal1,133,042 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan24.98 km2 (9.64 milya kuwadrado)
Taas16 m (52 tal)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan1,846,513
 • Kapal74,000/km2 (190,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
486,293
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitanatatanging klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan1.10% (2021)[3]
 • Kita₱17,922,805,500.00 (2020)
 • Aset₱74,464,757,574.00 (2020)
 • Pananagutan₱22,420,747,872.00 (2020)
 • Paggasta₱17,874,675,033.00 (2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
0900–1096
PSGC
133900000
Kodigong pantawag2
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytmanila.gov.ph

Ang Lungsod ng Maynila ([luŋˈsod nɐŋ majˈnilaʔ], Kastila: Ciudad de Manila, Ingles: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang punong-lungsod at ang pangalawang pinakamataong lungsod ng Pilipinas. Mataas ang pagkaurbanisado, ito ang lungsod na may pinakamakapal na dami ng tao sa buong mundo noong 2019. Tinuturing ang Maynila na isang pandaidigang lungsod at grinado bilang isang Lungsod–Alpha (o AlphaCity) ng Globalization and World Cities Research Network (GaWC).[4][5] Ito ang unang lungsod sa bansa na naka-karta (o may sariling saligang-batas), na itinalaga ng Batas ng Komisyon ng Pilipinas Blg. 183 ng Hulyo 31, 1901. Naging awtonomo ito nang napasa ang Batas Republika Blg. 409, "Ang Binagong Karta ng Lungsod ng Maynila", noong Hunyo 18, 1949.[6] Tinuturing ang Maynila bilang bahagi ng orihinal na pangkat ng mga pandaigdigang lungsod dahil lumawig ang network nitong pang-komersyo sa Karagatang Pasipiko at kumonekta sa Asya ang Kastilang mga Amerika sa pamamagitan ng kalakalang Galeon; nang nagawa ito, tinatakan nito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng mundo na naitatag ang isang hindi naabalang kadena ng ruta ng kalakalan na pumapalibot sa planeta.[7] Ito ang isa sa mga pinakamatao at pinakamabilis na lumagong lungsod sa Timog-silangang Asya[8][2] na may kabuuang populasyon na 1,846,513 sa 486,293 na kabahayan ayon noong senso ng 2020.[2][9]

Sumasakop ng 42.88 na kuwadrado kilometro,[10][11] ang lungsod na ito ay nasa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng Pambansang Punong Rehiyon na nasa kanlurang bahagi ng Luzon. Napalilibutan ang Maynila ng mga lungsod ng Navotas at Caloocan sa hilaga, Lungsod Quezon sa hilagang-silangan, San Juan at Mandaluyong sa silangan, Makati sa timog-silangan at Pasay sa timog. Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hong Kong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singapore at mahigit 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Nahahati ang Maynila sa dalawa ng ilog Pasig. Sa depositong alubyal ng ilog Pasig at look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.

Noong ika-13 siglo, ang lungsod ay binubuo ng mga tindahan at tagatanggap sa may tabi ng baybayin ng ilog Pasig, na nasa hilaga ng mga makalumang pamayanan. Ang opisyal na pangalan na ibinigay ng mga Malay sa lungsod ay Seludong/Selurung, na ginamit din sa isang bahagi sa pulo ng Luzon, at inimumungkahi na ito ang punong bayan/lungsod ng Kaharian ng Tondo. Ang lungsod ay nakilala rin sa pangalan na ibinigay ng mga pangkat etnikong mga Tagalog, ang "Maynila", na unang nakilala bilang "Maynilad". Nagmula ang pangalan sa salitang nila, isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look, na ginagamit sa paggawa ng sabon para sa pakikipagkalakalan; nanggaling ito sa salitang may nila, na may unlaping "ma-" na tumutukoy kung saan ang isang lugar ay mayroong isang bagay na malago (maaaring Sanskrit ang "nila" na "punong indigo").[12] (Ang sinasabing naging pangalan ng halaman ay nilad ay kathang isip lamang.)[13][14]

Noong kapanahunan ng mga Kastila, itinaguyod ang lungsod na may umpok-umpok na pamayanan na pumapalibot sa nagsasanggalang haligi ng Intramuros (nahahaligihan), ang orihinal na Maynila. Ang Intramuros na isa sa mga pinakalumang nagsasanggalang na haligi sa timog-silangan, ay ginawa at pinasyahan ng mga misyonaryong Heswita para hindi masakop ng mga Tsino ang pamayanan at mailigtas ang mga mamamayan. Noong kapanahunan ng Amerikano, ilang pagsasaayos ang isinagawa sa katimugang bahagi ng lungsod at ginamit ang arkitekturang disenyo ni Daniel Burnham. Ang lungsod ay may humigit sa 100 mga parke na nakakalat sa buong lungsod.

Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang kapuluan ng Pilipinas ng tatlong dantaon simula 1565 hanggang 1898. Noong namalagi ang Britanya sa Pilipinas, ang Maynila ay pinamahalaan ng dakilang Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging bahagi sa Pitong Taong Digmaan. Nanatiling punong lungsod ng Pilipinas ang Maynila sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga nag-aaklas laban sa mga Briton.

Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong dantaon at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko patungong Timog-silangang Asya. Noong 1899, binili ng Nagkakaisang mga Estado ng Amerika ang Pilipinas sa mga Kastila at pinamahalaan ang buong kapuluan ng hanggang 1946.[15] Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nawasak ang malaking bahagi ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod kasunod ng Varsovia, Polonya. Ang rehiyon ng Kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975.

  1. "List of Cities". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Demographia. "50 Largest World Metropolitan Areas Ranked: 2000 Estimates". US Census Bureau. Nakuha noong 2009-06-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The World According to GaWC 201" (sa wikang Ingles).
  5. "Manila—the world's most densely-populated city". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Oktubre 7, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Annual Audit Report: City of Manila" (PDF). Commission on Audit. 2014. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobyembre 4, 2016. Nakuha noong Nobyembre 4, 2016. {{cite web}}: Text "language" ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Frank, Andre G. (1998). ReOrient: Global Economy in the Asian Age (sa wikang Ingles). Berkeley: University of California Press. pp. 131. ISBN 9780520214743.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Global Metro Monitor". Brookings Institution (sa wikang Ingles). Enero 22, 2015. Nakuha noong Abril 12, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. City Population. "The Principal Agglomerations of the World". Nakuha noong 2009-06-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Kagawaran ng Turismo. "Manila City - Cosmopolitan Capital Of The Philippines". Wow Philippines. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-07-30. Nakuha noong 2009-06-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Population Density" (PDF). Manila City. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2006-08-11. Nakuha noong 2009-07-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. E.M. Pospelov, Geograficheskie nazvanie mira (Moscow 1998).
  13. Ambeth Ocampo (2008-06-25). "Looking Back : Pre-Spanish Manila". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-02-07. Nakuha noong 2009-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "World: metropolitan areas". World Gazetteer. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-07-24. Nakuha noong 2009-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Manila, Philippines". U.N. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-04-25. Nakuha noong 2009-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search