Mga Essene

Ikaapat na kweba sa Qumran
Mga natitirang bahagi ng pangunahing gusali sa Qumran.

Ang Mga Essene o Essenes (Sa Moderno Hebreo ngunit hindi sa Sinaunang Hebreo: אִסִּיִים, Isiyim; Greek: Εσσήνοι, Εσσαίοι, or Οσσαίοι; Essēnoi, Essaioi, Ossaioi) ay isang sekta ng Ikalawang Templong Hudaismo na yumabong mula ika-2 siglo BCE hanggang ika-1 siglo BCE at ayon sa ilang mga skolar ay tumiwalag sa mga saserdoteng Zadokeo.[1] Sa pagiging kaunti kesa sa mga Fariseo at Saduceo(ang dalawa pang pangunahing mga sekta ng Hudaismo sa panahong ito), ang mga Essene ay namuhay sa iba't ibang siyudad ngunit nagtitipon sa isang pampamayanang pamumuhay na nakatuon sa asetisismo, boluntaryong kahirapan, mikveh(araw araw na pagbabautismo), at abstinensiya(pag-iwas) sa mga makamundong kalayawan, kabilang(para sa ilang mga pangkat) ang selibasiya(hindi pag-aasawa). Maraming mga magkakahiwalay ngunit magkakaugnay na pangkat relihiyoso sa panahong ito ang nagsasalo ng parehong mga paniniwalang mistiko, eskatolohiyang Hudyo, mesiyaniko at asetiko. Ang mga pangkat na ito ay magkakasamang tinawag ng iba't ibang gma skolar na "Essenes". Ayon sa historyan na Hudyong si Josephus, ang mga Essene ay umiral sa malaking bilang at libo libo ang namuhay sa buong Romanong Judæa.

Ang mga Essene ay nagkamit ng kasikatan sa modernong panahon sanhi ng pagkakatuklas ng pangkat ng mga dokumentong relihiyosong tinatawag na Mga balumbon ng Patay na Dagat(Dead Sea Scrolls) na karaniwang pinaniniwalaan ng mga skolar na aklatan ng mga Essene bagaman walang pruweba sa kasalukuyan na ito ay isinulat ng mga Essene. Ang mga dokumentong ito ay kinabibilangan ng naingatang maraming mga kopya ng Bibliyang Hebreo na Tanakh na hindi nagalaw mula sa simula ng 300 BCE hanggang sa pagkakatuklas ng mga ito noong 1946. Gayunpaman, ang ilang mga skolar ay tumututol sa paniniwalang ang mga Essene ang sumulat ng Mga skrolyo ng Patay na Dagat.[2] Ang isang kilalang skolar na Israeling si Rachel Elior ay kinukuwestiyon ang pag-iral ng mga Essene.[3][4][5]

  1. F.F. Bruce, Second Thoughts On The Dead Sea Scrolls. Paternoster Press, 1956.
  2. Hillel Newman, Ph.D Bar Ilan University : Proximity to Power and Jewish Sectarian Groups of the Ancient Period Brill ISBN 90-04-14699-7.
  3. Ilani, Ofri (13 Marso 2009). "Scholar: The Essenes, Dead Sea Scroll 'authors,' never existed". Haaretz. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 18 Abril 2010. Nakuha noong 17 Marso 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. McGirk, Tim (16 Marso 2009). "Scholar Claims Dead Sea Scrolls 'Authors' Never Existed". Time. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 26 Agosto 2013. Nakuha noong 17 Marso 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Rachel Elior Responds to Her Critics". Jim West. 15 Marso 2009. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 21 Marso 2009. Nakuha noong 17 Marso 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[di-maaasahang pinagmulan?]

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search