Mga Tagalog

Tagalog
ᜆᜄᜎᜓ
Isang paglalarawan sa kasuotan ng mga Tagalog. Likha ni Paul de la Gironière (1797-1862), mamumuhunang Francés. Nailathala, taóng 1855.
Kabuuang populasyon
Umaabot sa 30 milyon
Mga rehiyong may malaking bilang nila
Pilipinas, Palau, Estados Unidos (Guam, Hawaii), Canada, at iba pang mga bansa
Wika
Tagalog (kilala rin sa isang pamantayan nitong tinatawag na Filipino), Inglés, Kastila
Relihiyon
Katolisismo sa karamihan. Sumunod ang Protestantismo, Budismo, Islam, at mga katutubong paniniwala.
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Iba pang mga mamamayang Pilipino

Ang mga Tagalog[1] (Baybayin: ᜆᜄᜎᜓ) ay isa sa mga pinakamalaking kauriang panlahi at wika sa Pilipinas at ang may pinakamalawak na paglawig sa bansa. Sila ang nangingibabaw na pangkat sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Bulacan, Laguna, Bataan, Quezon, Camarines Norte, Marinduque, at Rizal. May marami ring bilang ng mga Tagalog sa Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, Zambales, Mindoro Oriental, Palawan, at Kalakhang Maynila.

  1. English, Leo James (1977). "Tagalog, tagailog, Tagal, Katagalugan". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search