Nebraska

Nebraska

State of Nebraska
Watawat ng Nebraska
Watawat
Palayaw: 
Cornhusker State
Map
Mga koordinado: 41°30′N 100°00′W / 41.5°N 100°W / 41.5; -100
Bansa Estados Unidos ng Amerika
LokasyonEstados Unidos ng Amerika
Itinatag1 Marso 1867
Ipinangalan kay (sa)Ilog Platte
KabiseraLincoln
Bahagi
Pamahalaan
 • KonsehoLehislatura ng Nebraska
 • Governor of NebraskaJim Pillen
Lawak
 • Kabuuan200,520 km2 (77,420 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Abril 2020, Senso)[1]
 • Kabuuan1,961,504
 • Kapal9.8/km2 (25/milya kuwadrado)
Sona ng orasAmerika/Chicago
Kodigo ng ISO 3166US-NE
WikaIngles
Websaythttps://www.nebraska.gov/

Ang Nebraska /nəˈbræskə/ ay isang estado sa Gitnang-kanlurang rehiyon ng Estados Unidos. Napapaligiran ito ng Timog Dakota sa hilaga; Iowa sa silangan at Missouri sa timog-silangan, kapwa nasa tabi ng Ilog Missouri; Kansas sa timog; Colorado sa timog-kanluran; at Wyoming sa kanluran. Ito lamang ang tanging estado ng Estados Unidos na tatlong beses na nakakandadong-lupain.

Nanirahan dito sa loob ng libo-libong taon bago ang paggalugad ng mga Europeo ang mga katutubo, kabilang ang mga Omaha, Missouria, Ponca, Pawnee, Otoe, at iba't ibang sangay ng liping Lakota (Sioux). Tinatawiran ng estado ng maraming makasaysayang landas, kabilang ang Paggalugad nina Lewis at Clark.

Nasa lampas ng 77,220 milya kuwadrado (200,000 km2) ang sukat ng Nebraska na may populasyon na higit sa 1.9 milyon. Lincoln ang kabisera nito, at ang Omaha ang pinakamalaking lungsod, na nasa Ilog Missouri. Napasama ang Nebraska sa Estados Unidos noong 1867, dalawang taon pagkatapos ng Digmaang Sibil ng Amerika. Hindi tulad ng ibang lehislatura ang Lehislatura ng Nebraska kung saan unikameral ito at nahahalal ang mga kasapi nito na walang opisyal na pagtukoy sa pag-anib sa isang partidong pampolitika.

Binubuo ang Nebraska ng dalawang pangunahing rehiyon ng lupain: ang Dissected Till Plains at ang Great Plains. Binubuo ang rehiyong Dissected Till Plains ng dahan-dahang serye ng mga mababang burol at narito ang mga pinakamalaking lungsod ng estado, ang Omaha at Lincoln. Nailalarawan ng rehiyon ng Great Plains, na inokupa ang karamihan ng kanlurang Nebraska, ang walang punong kapatagan.

  1. https://data.census.gov/cedsci/table?t=Populations%20and%20People&g=0100000US,%241600000&y=2020; hinango: 20 Marso 2022.

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search