Ohio

Ohio
State of Ohio (Estado ng Ohio)
Watawat ng Ohio
Watawat
Opisyal na sagisag ng Ohio
Sagisag
Mga palayaw: 
The Buckeye State; (Ang Estadong Buckeye)
Birthplace of Aviation (Kapanganakan ng Abyasyon); The Heart of It All (Ang Puso Nitong Lahat)
Bansag: 
"With God, all things are possible"[1] (Sa Diyos, ang lahat ng mga bagay ay maaaring mangyari)
Awit: "Beautiful Ohio"[2] (Magandang Ohio)
Mapa ng Estados Unidos na nakatampok ang Ohio
Mapa ng Estados Unidos na nakatampok ang Ohio
BansaEstados Unidos
Sumali sa Unyon1 Marso 1803 (1803-03-01)[3] (ika-17,
retroaktibong dineklara noong
7 Agosto 1953 (1953-08-07)[4])
Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Columbus[5][6]
Pinakamalaking kondado o katumbas nitoKondado ng Franklin, Ohio
Pinakamalaking kalakhan at urbanong lugarKalakhang Cleveland (pinagsama at urbano)
Cincinnati (kalkahan)
Columbus (kalakhan)
(tingnan ang talababa)[a]
Pamahalaan
 • GobernadorMike DeWine (R)
 • Gobernador TinyenteJon Husted (R)
LehislaturaAsembleyang Pangkalahatan
 • Mataas na kapulunganSenado
 • [Mababang kapulunganKapulungan ng Kinatawan
HudikaturaKorte Suprema ng Ohio
Mga senador ng Estados UnidosSherrod Brown (D)
JD Vance(R)
Delegasyon sa Kamara ng Estados Unidos10 Republikano
5 Demokrata
Lawak
 • Kabuuan44,825 milya kuwadrado (116,096 km2)
 • Lupa40,948 milya kuwadrado (106,156 km2)
 • Tubig3,877 milya kuwadrado (10,040 km2)  8.7%
Ranggo sa lawakIka-34
Sukat
 • Haba220 mi (355 km)
 • Lapad220 mi (355 km)
Taas
850 tal (260 m)
Pinakamataas na pook
(Burol ng Campbell[8][b])
1,549 tal (472 m)
Pinakamababang pook
(Ilog Ohio sa hangganan ng Indiana[8][b])
455 tal (139 m)
Populasyon
 (2023)
 • Kabuuan11,785,935[9]
 • RanggoIka-7
 • Kapal282/milya kuwadrado (109/km2)
 • Ranggo sa densidadika-10
 • Panggitnang kita ng sambahayanan
$54,021[10]
 • Ranggo ng kita
ika−36
DemonymOhioan (Ohiyoano); Buckeye[11] (kolokyal)
Wika
 • Opisyal na wikaDe jure: Wala
De facto: Ingles
 • Sinasalitang wikaIngles 93.3%
Kastila 2.2%
Iba pa 4.5%[12]
Sona ng orasUTC– 05:00 (Silanganin)
 • Tag-init (DST)UTC– 04:00 (EDT)
Daglat ng USPS
Kodigo ng ISO 3166US-OH
Tradisyunal na pagdadaglatO., Oh.
Latitud38°24′ N to 41°59′ N
Longhitud80°31′ W to 84°49′ W
Websaytohio.gov

Ang Ohio ( /ˈh./ oh-HY-oh )[14] ay isang estado sa rehiyon ng Gitnang-kanlurang Estados Unidos. Pinapalibutan ang Ohio ng Lawa ng Erie sa hilaga, Pennsylvania sa silangan, Kanlurang Virginia sa timog-silangan, Kentucky sa timog-kanluran, Indiana sa kanluran, at Michigan sa hilagang-kanluran. Sa 50 estado ng Estados Unidos, ito ang ika-34 na pinakamalaki ayon sa laki ng sukat. Sa populasyon na halos 11.8 milyon, ito ang ikapitong pinakamatao at ikasampu sa pinakamakapal na populasyon na estado. Columbus ang kabisera nito at pinakamataong lungsod, kasama ang iba pang malalaking sentro ng populasyon kabilang ang Cleveland, Cincinnati, Dayton, Akron, at Toledo. Binansagan ang Ohio na "Buckeye State" o "Estadong Buckeye" dahil sa mga punong buckeye sa Ohio, at tinatawag ang mga taga-Ohio bilang "mga Buckeye".[11] Natatangi ang watawat ng Ohio sa lahat ng watawat ng estado ng Estados Unidos dahil ito lamang ang may watawat na hindi hugis paraihaba.

Kinuha ng Ohio ang pangalan nito mula sa Ilog Ohio na bumubuo sa katimugang hangganan nito, na nagmula naman sa salitang Seneca na ohiːyo', ibig sabihin, "magandang ilog", "malaking ilog", o "malaking sapa".[15] Tahanan ang estado ng ilang mga sinaunang katutubong sibilisasyon, na may mga tao na noon pang 10,000 BCE. Umusbong ito mula sa mga lupain sa kanluran ng Bulubunduking Apaleches na pinagtatalunan ng iba't ibang katutubong lipi at mga kolonistang Europeo mula noong ika-17 dantaon hanggang sa Mga Digmaang Hilagang-kanlurang Indiyano noong huling bahagi ng ika-18 dantaon. Nahati ang Ohio mula sa Teritoryong Hilagang-kanluran, ang unang hangganang pinanirahan ng tao ng bagong Estados Unidos, na naging ika-17 na estado na natanggap sa Unyon noong Marso 1, 1803, at ang una sa ilalim ng Ordinasang Hilagang-kanluran.[3][16] Ito ang unang poskolonyal na malayang estado na pinasok sa unyon at naging isa sa pinakamaaga at pinakamaimpluwensyang industriyal na napakalakas noong ika-20 dantaon. Bagaman lumipat ito sa ekonomiyang mas nakatuon sa impormasyon at nakabatay sa serbisyo noong ika-21 siglo, nananatili itong isang industriyal na estado, na nagraranggo sa ikapito sa GDP sa pagsapit ng 2019,[17] kasama ang ikatlong pinakamalaking sektor ng pagmamanupaktura at pangalawang pinakamalaking produksyon ng sasakyan.[18]

Minodelo sa pederal na katumbas nito, binubuo ang pamahalaan ng Ohio ng sangay na ehekutibo, na pinamumunuan ng gobernador; ang sangay na pambatasan, na binubuo ng dalawahang-kamara na Asembleyang Pangkalahatan ng Ohio; at ang sangay ng hudikatura, na pinamumunuan ng Korte Suprema ng estado. Sinasakop ng Ohio ang 15 puwesto sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos, ang ikapitong pinakamalaking delegasyon.[19] Pitong presidente ng Estados Unidos (sina Ulysses S. Grant, Rutherford Hayes, James Garfield, Benjamin Harrison, William McKinley, William Howard Taft, at Warren G. Harding) ang nagmula sa Ohio, na tinaguriang "Ina ng mga Pangulo".[20] Kapag may halalang pampanguluhan, tinuturing ang Ohio na swing state o estadong pabago-bago ang isip, na nagpapanalo ng alim man sa mga kandidato ng Demokrata o Republikano mula sa isang eleksyon hanggang sa isa pang eleksyon. Bilang isang estadong pabago-bago ang isip, kadalasang tinatarget sila ng mga kampanya ng parehong pangunahing-partido, lalo na sa halalang malakas ang kompetisyon.[21] Mahalaga sa halalan ng 1888, naging regular ang Ohio bilang isang estadong pabago-bago ang isip simula noong 1980.[22][23]

Kabilang sa ilang kilalang tao mula sa Ohio ang naggo-golf na si Jack Nicklaus, sina Wilbur at Orville Wright, mga astronautang sina John Glenn at Neil Armstrong, mga may-akdang sina Sherwood Anderson and Toni Morrison,[24] at mga artistang sina Clark Gable at Katie Holmes.

  1. "Ohio's State Motto" (sa wikang Ingles). Ohio Historical Society. Hulyo 1, 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2007. Nakuha noong Marso 27, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ohio's State Symbols" (sa wikang Ingles). Ohio Governor's Residence and State Garden. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-23. Nakuha noong Marso 26, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Mary Stockwell (2006). Ohio Adventure (sa wikang Ingles). Gibbs Smith. p. 88. ISBN 978-1-4236-2382-3. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 31, 2015. Nakuha noong Hunyo 16, 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The Admission of Ohio as a State" (sa wikang Ingles). United States House of Representatives. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 10, 2019. Nakuha noong Nobyembre 10, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Ohio Quick Facts" (sa wikang Ingles). Ohio Historical Society. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-08. Nakuha noong Marso 26, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "City of Columbus: Fun Facts" (sa wikang Ingles). City of Columbus, Ohio. 2006. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Mayo 1, 2009. Nakuha noong Marso 26, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. July 2017 Annual Estimate Naka-arkibo 1996-12-27 sa Wayback Machine. (sa Inlges)
  8. 8.0 8.1 "Elevations and Distances in the United States" (sa wikang Ingles). United States Geological Survey. 2001. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Hulyo 22, 2012. Nakuha noong Oktubre 24, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Apportionment population and number of representatives by state: 2020 census" (PDF) (sa wikang Ingles). US Census Bureau. Abril 26, 2021. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2021-04-26. Nakuha noong Abril 26, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Median Annual Household Income". The Henry J. Kaiser Family Foundation (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-20. Nakuha noong Disyembre 9, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 "Why is Ohio known as the Buckeye State and why are Ohioans known as Buckeyes?" (PDF) (sa wikang Ingles). Nobyembre 1998. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Abril 12, 2019. Nakuha noong Disyembre 7, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "American FactFinder—Results". factfinder2.census.gov (sa wikang Ingles). U.S. Census Bureau. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Pebrero 12, 2020. Nakuha noong Oktubre 17, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Official USPS Abbreviations" (sa wikang Ingles). United States Postal Service. 1998. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Marso 28, 2009. Nakuha noong Marso 26, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Ohio". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles).
  15. "Quick Facts About the State of Ohio" (sa wikang Ingles). Ohio History Central. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobyembre 27, 2010. Nakuha noong Hulyo 2, 2010. From Iroquois word meaning 'great river'{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. William M. Davidson (1902). A History of the United States (sa wikang Ingles). Scott, Foresman and Company. p. 265. Nakuha noong Hunyo 16, 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "U.S. Gross Domestic Product (GDP), by state 2019". Statista (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 20, 2018. Nakuha noong Disyembre 28, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Girardi-Schachter, Taylor (Setyembre 3, 2019). "Top 10 States For Manufacturing 2019". Global Trade Magazine (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 3, 2020. Nakuha noong Disyembre 31, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Berg-Andersson, Richard E. (2000). "The Math Behind the 2000 Census Apportionment of Representatives". The Green Papers. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 6, 2009. Nakuha noong Marso 25, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Ohio Presidents – Ohio Secretary of State". Ohiosos.gov (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Enero 21, 2021. Nakuha noong Disyembre 28, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "The Odds of an Electoral College-Popular Vote Split Are Increasing". FiveThirtyEight (sa wikang Ingles). 2016-11-01. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 21, 2016. Nakuha noong 2016-11-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Salamon, Julie (2004-10-02). "Trolling the Campuses for Swing-State Votes". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 2024-07-27.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Ellenberg, Jordan (2004-10-25). "Game Theory for Swingers". Slate (sa wikang Ingles). ISSN 1091-2339. Nakuha noong 2024-07-27.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Yost, Laina; Woytach, Carissa (2019-08-06). "'She treasured Lorain, we treasured her': Nobel laureate Toni Morrison dies at 88 (UPDATED/PHOTOS)". The Chronicle-Telegram. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-08-07. Nakuha noong 2020-10-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search