Ortodoksiyang Oriental

Ang Ortodoksiyang Oriental ang pananampalataya ng mga Simbahang Silangang Kristiyanismo na kumikilala lamang sa tatlong mga konsehong ekumenikal: ang Unang Konseho ng Nicaea, ang Unang Konseho ng Constantinople, at ang Unang Konseho ng Efeso. Kanilang itinakwil ang mga depinisyong dogmatiko ng Konseho ng Chalcedon noong 451 CE. Kaya ang mga Simbahang Ortodoksong Oriental ay tinatawag na Mga Simbahang Lumang Oriental o mga Simbahang Hindi-Chalcedonian na kilala sa Kanlurang Kristiyanismo at karamihan ng Silangang Ortodoksiya bilang mga Simbahang Monopisito bagaman ang mga mismong Oriental Ortodokso ay tumatakwil sa deskripsiyong ito bilang hindi tumpak na nagtatakwil ng mga katuruan ng parehong sina Nestorio at Eutyches. [1] Ang mga simbahang ito ay may buong komunyon sa bawat isa ngunit hindi sa mga Simbahang Silangang Ortodokso.

  1. Davis, SJ, Leo Donald (1990). The First Seven Ecumenical Councils (325-787): Their History and Theology (Theology and Life Series 21). Collegeville, MN: Michael Glazier/Liturgical Press. pp. 342. ISBN 978-0-8146-5616-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search