Pagtatalik

Pagtatalik ng lalaki at babaeng tao.

Ang pagtatalik, pagsisiping, pagkakantutan, pagroromansa o pag-uulayaw[1], ayon sa biyolohikal na kahulugan, ay isang pamamaraan ng isang babae at ng isang lalaki upang makabuo ng kanilang magiging supling sa pamamagitan ng kanilang mga ari. Sa Tanakh at sa Bibliya, ginamit ang salitang nakilala (o sumiping), kung kaya't ang proseso ng pagtatalik ay ang pagkilala ng lalaki sa kaniyang asawa, gayon din ng babae sa kaniyang esposo. Ang pamamaraang pisikal na ito ay ang pagsiping at pagniniig ng diwa, isipan, katawan at puso na bunga ng pagmamahalan ng dalawang tao. Ang pagkakaroon ng anak ang resulta ng prosesong ito.[2] Sa mabuting biro at makatang paghahambing, tinatawag din itong "luto ng Diyos".[3] - sa pabiro at makatang paraan - ang pagsisiping ng mag-asawa na may pagtatalik.[3] Sa ibang kahulugan na bukod sa pakikipagtalik, nangangahulugan ang pagsisiping ng pagtabi, pagpiling, at pagdais, katulad ng sa pagtulog, pag-upo, o paghiga.[4]

  1. Gaboy, Luciano L. Sex, pagtatalik, pagsisiping, paguulayaw - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Abriol, Msgr. Jose C., D.P. Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo 2000 (Jubilaeum A.D. 2000), limbag na may pagbabago (unang paglilimbag: 2000), Msgr. Mario Baltazar, O.P., S.S.L. (nihil obstat), Rufino Cardinal Santos (imprimatur), Jaime Cardinal Sin (re-imprimatur), Paulines Publishing House, dahon 15 at 33, ISBN 971-590-107-7
  3. 3.0 3.1 "Tan, Michael L., Ma. Teresa Ujano Batangan, Henrietta Cabado Españona, Lailani Guiang, Leo Quintilla, Jay Yacat, Randy Banaag, Sonja Jusayan, at Criselda Heredia. "Luto ng Diyos" (God's Cooking), Sex, Sexuality and Gender (section), Pagnanasa, Pagmamahal: Contextual Factors Affecting Risk-related Sexual Behavior Among Young Adults in the Philippines - Executive Summary, Teenfad.ph". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-12-05. Nakuha noong 2008-03-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-12-05 sa Wayback Machine.
  4. English, Leo James (1977). "Siping". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search