Roma

Roma
Watawat ng Roma
Watawat
Eskudo de armas ng Roma
Eskudo de armas
Palayaw: 
Ang Walang-Hanggang Lungsod
The Eternal City
Bansag: 
Senātus Populusque Rōmānus (SPQR)  (Latin)
Mga koordinado: 41°54′N 12°30′E / 41.900°N 12.500°E / 41.900; 12.500
BansaItalya
RehiyonLazio
LalawiganRoma (RM)
Pagkatatag21 Abril, 753 BK (tradisyonal)
Pamahalaan
 • AlkaldeVirginia Raggi
Lawak
 • Lungsod1,285.3 km2 (496.3 milya kuwadrado)
Taas
+20 m (66 tal)
Populasyon
 (31 Enero 2009)[1]
 • Lungsod2,722,907
 • Kapal2,100/km2 (5,500/milya kuwadrado)
 • Urban
3,457,690
 • Metro
3,700,000
Sona ng orasUTC+1 (Oras sa Gitnang Europa)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (Oras sa Gitnang Europa sa Tag-init)
Postal codes
00121 hanggang 00199
Kodigo ng lugar06
Mga santong patronSan Pedro at San Pablo

Ang Roma (pagbigkas [ˈroːma])[2] ay ang punong-lungsod ng bansang Italya at isang espesyal na komuna ng bansa (pinangalanang Comune di Roma Capitale, "Ang Komuna ng Punong Lungsod ng Roma"). Nagsisilbi rin itong punong-lungsod ng rehiyon ng Lazio. Tatlong milenyo nang tinitirahan ito ng mga tao, simula noong unang itinatag ito, ayon sa tradisyon, noong 753 BK.

Matatagpuan ito sa mga ilog Tiber at Aniene, malapit sa Dagat Mediteraneo. Makikita sa loob nito ang Lungsod ng Vaticano, isang malayang bansang kinikilala pandaigdig, at nagsisilbing punong-tanggapan ng Simbahang Katolika at ang tirahan ng Santo Papa.

Ang Roma ay ang pinakamalaking lungsod sa Italya at isa rin sa mga pinakamalalaki sa Europa, na may lawak na 1,285 kilometro kuwadrado (496.1 mi kuw). Ito ang sentro ng Kalakhang Lungsod ng Roma, na may populasyon ng 4,355,725 (2020) naninirahan, at may katayuan bilang ang pinakamataong kalakhang lungsod sa Italya.[3]

May KGK ito ng €75 bilyon—higit na mataas pa sa Bagong Zeeland at katumbas ng Singapore—noong taong 2001. Ibinubunga ng bayan ng Roma ang 6.5% ng pangkalahatang KGK ng Italya, ang pinakamalaking halaga sa lahat ng lungsod ng bansa.

Umaabot ang kasaysayan ng lungsod nang 2,800 taon, kung kailan ito ay naging sentro ng sinaunang Roma (Kahariang Romano, Republikang Romano, at Imperyong Romano), at sunod ng Estadong Papal, Kaharian ng Italya, at ngayon ng Republikang Italyano.

  1. ISTAT. "Monthly demographic balance Enero-Nobyembre 2008". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2009-04-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Abriol, Jose C. (2000). "Roma". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://dati.istat.it/Index.aspx?DataSetCode=DCIS_POPRES1 Popolazione residente al 1° gennaio"

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search