Salapi

Isang halimbawa ng kathang-isip na tarhetang pangkaherong awtomatiko o ATM card sa Ingles. Umiiral lamang ang pinakamalaking bahagi ng salapi ng mundo bilang numero ng pagtutuos na inililipat sa mga pinansyal na kompyter. Nagbibigay ang mga iba't ibang tarhetang plastic o plastic card at mga ibang aparato sa indibiduwal na mamimili ng kapangyarihan para maglipat ng pera paroo’t parito sa kanilang kwentang bangko nang hindi gumagamit ng salapi. Maraming tao ngayon ang gumagamit ng kaherong awtomatiko o ATM machine upang kuhanin ang salapi nila sa bangko nila.
Sa isang karikatura ni James Gillray noong 1786, ang mga sako ng pera na ibinigay kay Haring George III ay ipinahambing sa pulibi na naputulan ng binti at braso sa kaliwang sulok
Isang 100 na dolyar Amerikano

Ang salapi, pera, o kuwarta ay anumang bagay o tala na nabeberipika na karaniwang tinatanggap bilang pagbabayad para sa mga kalakal at serbisyo at pagbabayad ng mga utang, tulad ng mga buwis, sa isang partikular na bansa o kontekstong sosyo-ekonomiko. Ang mga pangunahing tungkulin na nagpapakilala sa pera ay bilang isang daluyan ng palitan, isang yunit ng kuwenta, isang imbakan ng halaga at kung minsan, isang pamantayan ng ipinagpaliban na pagbabayad.[1][2] Anumang bagay o matitiyak na talaan na tumutupad sa mga papel na ito ay maaaring ituring bilang salapi.

Sa kasaysayan, ang salapi ay dating lumitaw na kabalaghan ng merkado na nagtatag ng salaping pangalakal, ngunit halos lahat ng mga kontemporaryong sistema ng salapi ay nakabase sa salaping inatasan.[1] Ang salaping inatasan, tulad ng anumang tseke o tala ng utang, ay walang silbi bilang pisikal na kalakal.[kailangan ng sanggunian] Nanggagaling ang kanyang halaga mula sa pagdeklara nito ng pamahalaan bilang salaping umiiral; iyon ay, kailangan itong tanggapin bilang pambayad sa loob ng bansa, para sa "lahat ng utang, publiko at pribado".[3] Ang salaping peke ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng halaga ng mabuting salapi.

Ang panustos ng salapi ng isang bansa ay binubuo ng pera (salaping papel at barya) at, depende sa partikular na kahulugan na ginagamit, isa o higit pang uri ng salapi sa bangko (ang mga balanse na naka-imbak sa mga kuwentang tseke, kuwentang simpanan, at mga iba pang uri ng kuwentang bangko). Ang salapi sa bangko na binubuo ng mga talaan (halos lahat komputerisado sa modernong pagbabangko), ay nagbubuo sa pinakamalaking bahagi ng malawakang salapi sa mga maunlad na bansa.[4][5][6] Maraming tao ang gumagamit ng kaherong awtomatiko o ATM machine upang kuhanin ang salapi nila sa bangko nila. Ang kaherong awtomatiko o automated teller machine (ATM) sa Ingles ay isang elektronikong aparato ng telekomunikasyon na nagbibigay-daan sa mga kostumer ng mga institusyong pampinansyal na magsagawa ng mga transaksyong pampinansyal, tulad ng pagkuha ng salapi o cash withdrawal, deposito, paglilipat ng pondo, o mga katanungan sa impormasyon ng account, sa anumang oras at nang hindi nangangailangan ng direktang pakikipag-ugnayan sa kawani ng bangko.

Ang isang peso ng Pilipinas
  1. 1.0 1.1 Mankiw, N. Gregory (2007). "2". Macroeconomics (ika-6th (na) edisyon). New York: Worth Publishers. pp. 22–32. ISBN 978-0-7167-6213-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. T.H. Greco. Money: Understanding and Creating Alternatives to Legal Tender, White River Junction, Vt: Chelsea Green Publishing (2001). ISBN 1-890132-37-3
  3. "The Etymology of Money". Thewallstreetpsychologist.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 3 Abril 2015. Nakuha noong 24 Pebrero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Boyle, David (2006). The Little Money Book. The Disinformation Company. p. 37. ISBN 978-1-932857-26-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "History of Money". Zzaponline.com. Nakuha noong 24 Pebrero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Bernstein, Peter, A Primer on Money and Banking, and Gold, Wiley, 2008 edition, pp. 29–39

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search