Shijiazhuang 石家庄市 Shihkiachwang | |
---|---|
![]() Malayuang tanawin ng kabayanan ng Shijiazhuang | |
![]() | |
![]() Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Shijiazhuang sa Hebei | |
Mga koordinado: 38°04′N 114°29′E / 38.067°N 114.483°E | |
Bansa | ![]() |
Lalawigan | Hebei |
Sentro ng munisipyo | Chang'an District |
Pamahalaan | |
• Kalihim ng CPC | Xing Guohui (邢国辉) |
• Alkalde | Deng Peiran (邓沛然) |
Lawak | |
• Antas-prepektura na lungsod | 15,848 km2 (6,119 milya kuwadrado) |
• Urban | 283.72 km2 (109.54 milya kuwadrado) |
• Metro | 2,240 km2 (860 milya kuwadrado) |
Taas | 83 m (272 tal) |
Populasyon (2016) | |
• Antas-prepektura na lungsod | 10,784,600 |
• Kapal | 680/km2 (1,800/milya kuwadrado) |
• Urban | 4,303,700 |
• Densidad sa urban | 15,000/km2 (39,000/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+8 (Pamantayang Tsina) |
Kodigong postal | 050000 |
Kodigo ng ISO 3166 | CN-HE-01 |
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan | 冀A |
Bulaklak ng lungsod | Rosa Chinensis |
Puno ng lungsod | Styphnolobium |
Websayt | www.sjz.gov.cn |
Shijiazhuang | |||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
![]() "Shíjiāzhuāng" sa Pinapayak (itaas) at Kinagisnang (ibaba) mga Tsinong panitik | |||||||||||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 石家庄 | ||||||||||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 石家莊 | ||||||||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | "Maliit na Nayong Pampamilya ng Shí" ("Shí Family Hamlet") | ||||||||||||||||||||||||||||||
|
Ang Shijiazhuang (Tsino: 石家庄, [ʂɨ̌.t͡ɕjɑ́.t͡ʂwɑ́ŋ]) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng lalawigan ng Hebei, Hilagang Tsina.[1] Pampangasiwaan isa itong antas-prepektura na lungsod na may layong 266 kilometro (165 mi) timog-kanluran ng Beijing.[2] Pinangangasiwaan nito ang walong mga distrito, dalawang antas-kondado na mga lungsod, at 12 mga kondado.
Magmula noong 2015 mayroon itong kabuuang populasyon na 10,701,600 katao[3] kalakip ang 4,303,700 katao sa sentral ("o metro") na pook na binubuo ng pitong mga distrito at ang kondado ng Zhengding na malakihang nakadugtong sa kalakhang pook ng Shijiazhuang habang patuloy ang paglawak ng urbanisasyon.[4] Nasa panlabing-dalawang puwesto ang kabuuang populasyon ng Shijiazhuang sa kalupaang Tsina.[5]
Nakaranas ang Shijiazhuang ng malakihang paglago kasunod ng pagtatag ng Republikang Bayan ng Tsina noong 1949. Dumami nang higit sa apat na beses ang populasyon ng kalakhang pook sa loob ng 30 mga taon bilang bunga ng mga pagpapaunlad sa industriyalisasyon at imprastraktura. Mula 2008 hanggang 2011, ipinatupad ng Shijiazhuang ang pantatlong-taong plano na natapos sa pagbabagong-tatag ng lungsod. Nagbunga ito ng pagdami ng luntiang mga pook at bagong mga gusali at daan. Binuksan ang isang estasyon ng daambakal, isang paliparan, at isang sistemang subway.[6]
Matatagpuan ang Shijiazhuang sa silangan ng Bulubundukin ng Taihang, isang bulubunduking umaabot ng higit sa 400 km (250 mi) mula hilaga-patimog at may karaniwang taas na 1,500 hanggang 2,000 m (4,900 hanggang 6,600 tal), kaya isang angkop na lugar ang Shijiazhuang para sa paglalakad, panlabas na mga biyahe, at pagbibisikleta.
{{cite web}}
: Unknown parameter |dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: Unknown parameter |dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
{{cite web}}
: Unknown parameter |dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: Unknown parameter |dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: Unknown parameter |dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search