Unang Konsilyo ng Nicaea

Unang Konsilyo ng Nicaea
Petsa325 CE
Tinanggap ng
Nakaraang konsehoKonsilyo ng Herusalem (ngunit hindi itinuturing na ekumenikal)
Sumunod na konsehoUnang Konsilyo ng Constantinople
Tinipon niEmperador Constantine I
Pinangasiwaan niAlexander ng Alexandria at Emperador Constantine I[1]
Mga dumalo250–318 (tanging lima mula sa Kanlurang Simbahan)
Mga Paksa ng talakayanArianismo, pagdiriwang ng Paskuwa(Easter), ordinasyon ng mga eunuko, pagbabawal ng pagluhod tuwing linggo at mula Easter hanggang Pentekostes, balidad ng bautismo ng mga heretiko, hindi na nagsasanay na mga Kristiyano at iba pang mga bagay.[2]
Mga dokumento at salaysayOrihinal na Kredong Niseno,[3] 20 batas kanon,[4] at isang epistula(liham)[2]
Talaang kronolohikal ng mga konsehong ekumenikal
Si EmperadorConstantine ay nagtatanghal ng isang representasyon ng siyudad ng Constantinople bilang pagkilala sa naitronong si Marya at sanggol na Hesus sa mosaiko ng simbahang ito. St Sophia, c. 1000).
Nicaea
Νίκαια
Nicaea
Nicaea
Lokasyon Nicaea sa bansang Turkiya.
Mga koordinado40°25.74′N 29°43.17′E / 40.42900°N 29.71950°E / 40.42900; 29.71950

Ang Unang Konsilyo ng Nicaea ang konsilyo ng mga obispong Kristiyano na tinipon sa Nicaea sa Bythinia sa kasalukuyang İznik, Turkiya. Ito ay tinipon ng emperador ng Imperyo Romano ]na si Constantino I noong 325 CE. Ang unang konsilyong ekumenikal na ito ang unang pagsisikap na magkamit ng kasunduan sa simbahang Kristiyano sa pamamagitan ng asemblea na kumakatawan sa buong sangka-Kristiyanuhan.[5][6] Ang pangunahing mga naisakatuparan nito ang paglutas sa isyu ng Trinitarianismo ng kalikasan ni Hesus at ang kanyang relasyon sa Diyos Ama,[3] ang paglikha ng unang bahagi ng Kredong Niseno, paglutas ng pagkwenta ng petsa ng Easter at pagpapalaganap ng maagang batas kanon.[2][4][7][8]

Tinipon ni Emperador Constantine ang konsilyong ito upang lutasin ang kontrobersiyal na isyu ng relasyon sa pagitan ni Hesus at ng Diyos Ama. Ninais ni Constantine na itatag ang isang pangkalahatang kasunduan dito. Ang mga kinatawan nito ay nagmula sa buong Imperyo Romano at pinansiyal na sinuportahan ng Emperador. Bago ng konsilyong ito, ang mga obispo ay nagdadaos ng mga lokal na konsilyo gaya ng Konsilyo ng Herusalem ngunit walang isang pangkalahatan o unibersal, o ekumenikal na konsilyo. Ang konsilyo ay gumawa ng isang kredo na orihinal na Kredong Nicene na tumanggap ng halos nagkakaisang suporta. Ang paglalarawan ng konsilyo ng "tanging bugtong na anak ng diyos" na si Hesus na homoousios(parehong substansiya) sa diyos ama ang naging pamantayan ng Trinitarianismo. Sinagot ng konsilyo ang isyu ng pagpepetsa ng Easer, kumilala sa karapatan ng see ng Alexandria sa huridiksiyon sa labas ng sarili nitong probinsiya(bilang analohiya sa hurisdiksiyong sinanay sa Roma) at ang mga prerogatibo ng mga iglesia sa Antioch at sa iba pang mga probinsiya [9] at nag-aproba ng kustombre kung saan ang Herusalem ay pinarangalan nang walang dignidad na metropolitan.[10]

Ang konsilyong ito ay tinutulan ng mga Arian at sinubukan ni Constantine na pagkasunduin si Arius(kung saan ipinangalan ang Arianismo) sa simbahan. Kahit nang mamatay si Arius noong 336 CE, isang taon bago ang kamatayan ni Constantine, ang kontrobersiya ay nagpatuloy kung saan ang iba't ibang mga magkakahiwalay na pangkat ay yumakap sa iba't ibang mga simpatyang Arian sa isang paraan o iba.[2] Noong 359 CE, ang isang dobleng konsilyo ng Silangan at Kanlurang mga obsipo ang nagpatibay ng isang pormula na nagsasaad na ang Ama at Anak ay magkatulad ayon sa mga kasulatan na isang pagtatagumpay ng Arianismo.[2] Nag-rally ang mga kalaban ng Arianismo ngunit ang Unang Konsilyo ng Constantinope noong 381 CE ang huling pagkapanalo ng ortodoksiyang Nicene sa Imperyo Romano bagaman ang Arianismo ay kumalat na sa panahong ito sa mga tribong Alemaniko kung saan ito ay unti unting naglaho pagkatapos ng konbersiyon ng mga Frank sa Katolisismo noong 496 CE.[2]

  1. Britannica.com - Council of Nicaea
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 The Seven Ecumenical Councils:112-114
  3. 3.0 3.1 The Seven Ecumenical Councils:39
  4. 4.0 4.1 The Seven Ecumenical Councils:44-94
  5. Richard Kieckhefer (1989). "Papacy". Dictionary of the Middle Ages. ISBN 0-684-18275-0.
  6. The very first church council is recorded in the book of Acts chapter 15 regarding circumcision.
  7. "First Council of Nicea" in the 1913 Catholic Encyclopedia.
  8. "Council of Nicea in the 1911 Encyclopædia Britannica". www.1911encyclopeida.org. Nakuha noong Marso 14, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "canon 6". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-09-15. Nakuha noong 2012-12-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "canon 7". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-09-15. Nakuha noong 2012-12-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search