Limahong

Si Limahong[1], Lim Ah Hong o Lin Feng (Tsinong pinapayak: 林凤; Tsinong tradisyonal: 林鳳; pinyin: Lín Fèng) ay isang mandarambong na Intsik at panginoong-pandigma na sumalakay sa hilagang kapuluan ng Pilipinas noong 1574. Kilala siya sa malimit na paglusob sa mga daungan ng Guangdong, Fujian at katimugang Tsina. Dalawang ulit niyang sinubok na atakihin at angkinin, ngunit nabigo, ang Kastilang lungsod ng Maynila noong 1574. Sinulong niya sa paglusob na ito ang hukbong may dalawang libong tauhan.[1]

  1. 1.0 1.1 Karnow, Stanley (1989). "Limahong". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search