Ang mga merlusa, kilala rin bilang mga hake o mga heyk (Kastila: merluza, literal na "(isdang) tulos ng dagat"; Ingles: hake [bigkas: /heyk/]), ay alinmang mga uri ng isdang pangdagat na kamag-anak ng mga bakalaw o kalaryas. Ilan sa mga ito ang mas pinipiling pagkaing isda. Sa Hilagang Amerika, pinakamahalagang pangkumersiyal sa mga ito ang pulang hake o hakeng iskuwirel. Matatagpuan ang mga merlusa sa ilalim ng dagat na umaabot sa 1,000 mga talampakan.[1]
© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search