Asawa

Isang mag-asawa sa Pilipinas.
Larawan ng mag-asawang nasa Haiti.

Ang asawa (mula sa Sanskrito: स्वामी [svāmī]) ay ang walang-kasariang katawagan para sa esposo o asawang lalaki o kaya para sa esposa o asawang babae. Ngunit maaari ring tumukoy sa isang kasama o kinakasama sa buhay.[1] Iba pang taguri sa asawa ang pagiging kabiyak, maybahay (kung babae), ina ng mga bata, ginang (ng tahanan), misis (ng mister), lakay (kung lalaki), bana (kapag lalaki), ama ng mga bata, mister (ng misis).[2]

Kaugnay ito ng salitang mag-asawa na tumutukoy sa pagpapakasal o kaya sa isang pares[3] ng mga tao na nagsasama dahil sa kasal o matrimonyo.

  1. Blake, Matthew (2008). "Asawa, spouse; asawang lalake, husband; asawang babae, wife; kasama, consort". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., nasa Asawa Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
  2. Gaboy, Luciano L. Spouse - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Gaboy, Luciano L. Couple, isang pares]] - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search