Sukat | 44,579,000 km2 (17,212,000 mi kuw) (Una)[1] |
---|---|
Populasyon | 4,694,576,167 (
2021; Una) [2][3] |
Densidad ng populasyon | 100 km2 (39 mi kuw) |
GDP (PPP) | $72.7 trilyon (2022; Una)[4] |
GDP (nominal) | $39 trilyon (2022; Una)[5] |
GDP kada kapita | $8,890 (2022; Ika-4)[6] |
Mga relihiyon |
|
Pantawag | Asyano |
Mga bansa | 49 na nasa UN 1 nag-oobserba 5 iba pa |
Mga dependensiya | |
Mga estadong wala sa UN | |
Mga wika | |
Mga sona ng oras | UTC+2 hanggang UTC+12 |
Internet TLD | .asia |
Mga malalaking lungsod | |
UN M49 code | 142 – Asia001 – World |
Depende sa pagpapakahulugan, Asya ang pinakamalaking kontinente ng mundo, o isang subkontinente ng mas malaking Eurasya o Apro-Eurasya. May sukat itong aabot sa 44,579,000 km2 (17,212,000 mi kuw) — halos 30% ng kabuuang laki ng kalupaan ng Daigdig at 8.7% ng kabuuang lawak ng ibabaw nito. Makikita rito ang Mesopotamia, Lambak ng Indus, at ang Ilog Yangtze, na nagsilbing lugar kung saan umusbong ang ilan sa mga unang sibilisasyon sa nakatalang kasaysayan. Kasalukuyan itong tinitirhan ng lagpas 4.6 bilyong katao, ang 60% ng kabuuang populasyon ng mundo.
Ang hangganan ng Asya sa silangan ay ang Karagatang Pasipiko. Karagatang Indiyano at Karagatang Artiko naman ang mga hangganan nito sa timog at hilaga. Samantala, pabago-bago sa kasaysayan ang hangganan nito sa kanluran, dahil sa kultura at politika. Gayunpaman, pinagkakasunduan ng marami na ang hangganan ng Asya sa Europa ay ang Bulubunduking Ural at Bulubunduking Caucasus sa Rusya, gayundin ang mga kipot ng Turkiye (Kipot Bosphorus, Kipot Dardanelles, at Dagat Marmara). Ang Kanal ng Suez naman sa Ehipto ang nagsisilbing hangganan nito sa Aprika.
Ang rehiyon ng Tsina at India ang naging sentro ng ekonomiya ng mundo hanggang noong ika-19 na siglo sa pag-usad ng Rebolusyong Industriyal sa Europa. Ang yaman na ito, na hinaluan pa ng mga pantasyang isinulat ng mga naunang manlalakbay tulad ni Marco Polo, ang nagpaakit sa mga Europeo upang makipagkalakalan sa Silangan, na humantong kalaunan upang magtayo sila ng mga kolonya sa malaking bahagi ng kontinente. Dahil sa lawak nito at ekonomiya, naging tirahan ito ng malaking bahagdan ng populasyon sa halos buong kasaysayan nito. Gayunpaman, unti-unti na itong bumabagal pagsapit ng ika-20 siglo dahil sa samu't saring dahilan. Dito itinatag ang karamihan sa mga pinakalaganap na mga rehiliyon sa mundo, kabilang na ang Kristiyanismo, Islam, Judaismo, Budismo, at Hinduismo.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/>
tag para rito); $2
© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search