Katotohanan, 1870, ni Jules Joseph Lefebvre.Ang simbolo para sa planetangVenus ay ginagamit ding tanda para sa mga kababaihan, tao man o hayop.Mga bahagi (sa harapan) ng katawan ng isang babaeng tao: 1. buhok, 2. kilay, 3. mata, 4. ilong, 5. tainga, 6. bibig, 7. baba, 8. leeg, 9. balikat, 10. lugar ng dayapram, 11. dibdib, 12. suso, 13. utong, 14. braso, 15. balakang, 16. tiyan, 17. siko, 18. puson, 19. singit, 20. bulbol, 21. kasukasuan, 22. puke, 23. kamay, 24. hita, 25. mga daliri, 26. tuhod, 27. lulod, 28. bukung-bukong, at 29. paa at mga daliriMga bahagi (sa likuran) ng katawan ng isang babaeng tao: 1. ulo, 2. buhok, 3. leeg, 4. balikat, 5. likod, 6. kili-kili , 7. braso, 8. gulugod, 9. balakang, 10. siko, 11. pigi, 12. puwit, 13. kamay, 14. mga daliri, 15. hita, 16. alak-alakan, 17. binti, 18. bukung-bukong, 19. paa, at 20. mga daliri at talampakan.
Ang babae (ᜊᜊᜁ)[1] o babayi (ᜊᜊᜌᜒ)[2][3] ay salitang pangkasariang ginagamit para sa tao, mga hayop at halaman. Kabaligtaran ito ng salitang lalaki. Ang kasarian ng isang organismo ay itinuturing na babae (simbolo: ♀) kung ito ay gumagawa ng itlog o ovum (egg cell), ang uri ng binhi (sex cell) na nagsasama sa lalaking binhi (sperm cell) sa panahon ng sekswal na reproduksiyon. Sa Botaniya, tumutukoy ito sa mga halamang may pistil o bulaklak na para sa paggawa ng binhi.
Ang salitang "babae" sa kasarian ng tao ay karaniwang ginagamit upang tumukoy sa lahat ng gulang. Ang isang babaeng nasa hustong gulang ay tinatawag na binibini, o dalaga [kung wala pang asawa]. Kung ang babae naman ay bata pa o hindi pa nasa tamang gulang, siya ay tinatawag na batang babae(girl). Samantala, ang isang babaeng may katandaan na ay tinatawag na ginang o gining bilang paggalang.[4][5] Tinatawag na kababaihan/kababayinan (Ingles: womankind)[6] ang kapwa mga babae.
Kabilang sa ibang katawagan sa babae ang mga salitang balbal na bebot at egat. Tinatawag namang ali o ale ang babae kung may paggalang sa isang hindi nakikilalang babae, bagaman ginagamit ang aling sa pagtawag na may paggalang sa isang kilala nang tao sapagkat katumbas ito ng mis (Ingles:Miss) at misis (Ingles:Mrs.).[7]Dalaga (mula sa Sanskrito:दारिका [dārikā]) naman ang tawag sa isang babaeng wala pang asawa ngunit nasa hustong gulang na.[8]