Canada

Canada
Salawikain: A mari usque ad mare
"Mula dagat sa dagat"
Awiting Pambansa: O Canada

Awiting Makahari: God Save the King
"Diyos Iligtas ang Hari"
A projection of North America with Canada highlighted in green
KabiseraOttawa
45°25′29″N 75°41′42″W / 45.42472°N 75.69500°W / 45.42472; -75.69500
Pinakamalaking lungsodToronto
43°44′30″N 79°22′24″W / 43.74167°N 79.37333°W / 43.74167; -79.37333
Wikang opisyal
KatawaganCanadyano
PamahalaanPederal at parlamentaryong monarkiyang konstitusyonal
• Monarko
Carlos III
Mary Simon
Justin Trudeau
LehislaturaParliament
• Mataas na Kapulungan
Senate
• Mababang Kapulungan
House of Commons
Kasarinlan 
mula sa United Kingdom Reyno Unido
July 1, 1867
December 11, 1931
April 17, 1982
Lawak
• Total area
9,984,670 km2 (3,855,100 mi kuw) (2nd)
• Katubigan (%)
11.76 (2015)[1]
• Total land area
9,093,507 km2 (3,511,023 mi kuw)
Populasyon
• Pagtataya sa 2023 Q3
Neutral increase 40,097,761[2] (37th)
• Senso ng 2021
36,991,981[3]
• Densidad
4.2/km2 (10.9/mi kuw) (236th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $2.378 trillion[4] (15th)
• Bawat kapita
Increase $59,813[4] (28th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Decrease $2.117 trillion[4] (9th)
• Bawat kapita
Decrease $53,246[4] (18th)
Gini (2018)30.3[5]
katamtaman
TKP (2021)Increase 0.936[6]
napakataas · 15th
SalapiCanadian dollar ($) (CAD)
Sona ng orasUTC−3.5 to −8
• Tag-init (DST)
UTC−2.5 to −7
Ayos ng petsayyyy-mm-dd (AD)[7]
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono+1
Internet TLD.ca

Ang Canada ay bansa sa Hilagang Amerika, ang pinakahilaga sa buong mundo, at ang pangalawang pinakamalaki sa sukat, kasunod ng Rusya at mga 58.4% nang kalawakan ng Rusya o mga 26.4 beses nang kalakihan ng Hapon. Ang Canada ay naging tirahan ng mga Aborihinal bago dumating ang mga Briton at Pranses noong ika-15 siglo. Pagkatapos ng Digmaan ng Pitong Taon ang Prasya ang isinuko halos lahat ng mga kolonya nila sa Hilagang Amerika.

Ang mga opisyal na wika ng Canada ay Ingles at Pranses. Sa teritoryo ng Nunavut, naging opisyal din ang Inuit (Inuktitut at Inuinnaqtun), bukod sa Ingles at Pranses. Mahigit nang 630 ang bilang ng mga opisyal na gobyerno o banda ng mga Aborihinal na di Inuit o di Métis (Mestiso nila).

Sa kabuuan, nakakalat ang populasyon ng Canada sa ilang mga pook. Ang karamihan ng lupa ng Canada ay puno ng kagubatan at tundra. Higit sa 80% ng populasyon ng Canada ay nakatira sa mga siyudad, at 70% ay nakatira sa loob ng 100 kilometro mula sa border sa timog. Nag-iiba ang klima ng Canada ayon sa lugar, mula sa klimang Artiko sa hilaga, hanggang sa mainit na tag-araw sa timog na may apat na pana-panahon.

Nakatira ang mga ibang klase ng mga Aborihinal sa Canada ng libo-libong taon bago ngayon. Nagsimula ng mga expedisyon ang taga-Europa sa silangang baybayin ng Canada sa higit ng mga Viking sa ika-11 siglo, at sa ika-15 siglo, tinaya ni Jacques Cartier ang Golpo ng Saint Lawrence. Sa 5 Agosto 1583, tinatag ng mga Ingles ang kolonya ng Newfoundland. Sinundan ito ng mga ibang kolonya ng Pransiya at Inglaterra sa Nova Scotia, sa lambak ng Ilog Saint Lawrence, at sa tangway ng Labrador. Sa wakas ng mga labanang kagaya ng War of Spanish Succesion (1714), French and Indian War (1758), at ng American Revolutionary War (1753), nawala at nanalo ang Britanya ng mga lupang tumutugma sa teritoryo ng Canada ngayon. Sa 1 Hulyo 1867, naging Dominion ng Canada ang tatlong probinsya. Siniguro ang soberanya nito ng Balfour Declaration sa 1926, ng Statute of Westminster sa 1931, at ng Canada Act sa 1982.

Ang kasaysayang moderno ng Canada ay minarka ng pagpalawak ng teritoryo, ng paghahanap ng ginto, at ng partisipasyon sa Unang Digmaang Pandaigdig. Nabagsak ang ekonomiya ng Canada sa Matinding Depresyon, ngunit bumangon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan ang Canada ay naging isa sa mga nanalo bilang isa sa mga Allies.

Sa 2015, ang Canada ay ang ikalabinlimang kapantayan ng lakas ng pagbili (KLP) na pinakamataas sa buong mundo, at nasa ikalabindalawang posisyong pinakamataas sa Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao. Miyembro ang Canada sa ilang mga multilateral organizations, kasama ng Nagkakaisang Bansa, Organizasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko, ang G7 (dating kilala bilang G8), Group of Ten, ang Pangkat ng Dalawampu (P20), North American Free Trade Agreement (NAFTA), at ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

  1. "Surface water and surface water change". Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD). Nakuha noong Oktubre 11, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Population estimates, quarterly". Statistics Canada. Setyembre 27, 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 28, 2023. Nakuha noong Setyembre 28, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Census Profile, 2021 Census of Population". Pebrero 9, 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 9, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 "World Economic Outlook Database, October 2023 Edition. (Canada)". IMF.org. International Monetary Fund. Oktubre 10, 2023. Nakuha noong Oktubre 10, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Income inequality". OECD. Nakuha noong Hulyo 16, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Human Development Report 2021/2022" (PDF). United Nations Development Programme. Setyembre 8, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. The Government of Canada and Standards Council of Canada prescribe ISO 8601 as the country's official all-numeric date format: Public Works and Government Services Canada Translation Bureau (1997). "5.14: Dates". The Canadian style: A guide to writing and editing (Revised pat.). Dundurn Press. p. 97. ISBN 978-1-55002-276-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) The dd/mm/yy and mm/dd/yy formats also remain in common use; see Date and time notation in Canada.

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search