Charles Darwin

Charles Darwin
Charles Darwin, edad 45 noong 1854 at gumagawa tungo sa paglilimbag ng On the Origin of Species
Kapanganakan12 Pebrero 1809(1809-02-12)
Mount House, Shrewsbury, Shropshire, Inglatera
Kamatayan19 Abril 1882(1882-04-19) (edad 73)
Down House, Downe, Kent, Inglatera
NasyonalidadBritish
MamamayanBritish
Nagtapos(edukasyong tersiyaryo):
University of Edinburgh (medisina)
University of Cambridge (ordinaryong Batsilyer ng Sining)
Kilala saThe Voyage of the Beagle
On the Origin of Species
evolution by
natural selection,
karaniwang pinagmulan
AsawaEmma Darwin (1839–1896)
ParangalRoyal Medal (1853)
Wollaston Medal (1859)
Copley Medal (1864)
Karera sa agham
LaranganNaturalista
InstitusyonGeological Society of London
Academic advisorsJohn Stevens Henslow
Adam Sedgwick
ImpluwensiyaAlexander von Humboldt
John Herschel
Charles Lyell
NaimpluwensiyahanJoseph Dalton Hooker
Thomas Henry Huxley
George Romanes
Ernst Haeckel
Pirma
"Charles Darwin", with the surname underlined by a downward curve that mimics the curve of the initial "C"

Si Charles Robert Darwin FRS (12 Pebrero 1809 – 19 Abril 1882) ay isang Ingles na naturalista.[I] Kanyang pinatunayan na ang lahat ng mga espesye ng buhay ay nagmula sa loob ng maraming panahon mula sa karaniwang mga ninuno,[1] at nagmungkahi ng teoriyang siyentipiko na ang sumasangay na paterno ng ebolusyon ay nagresulta mula sa isang prosesong tinatawag na natural na seleksiyon.[2] Inilimbag ni Darwin ang kanyang teoriya na may nakapipilit na ebidensiya para sa ebolusyon sa kanyang 1859 na aklat na On the Origin of Species(Tungkol sa Pinagmulan ng Espesye) na nanaig sa siyentipikong pagtakwil ng mas naunang mga konsepto ng transmutasyon ng mga espesye.[3][4] Nang mga 1870, ang pamayanang siyentipiko at karamihan sa pangkahalatang publiko ay tumanggap sa ebolusyon bilang isang katotohan. Gayunpaman, marami ang pumabor sa magkakalabang mga paliwanag at hanggang sa paglitaw lamang ng modernong ebolusyonaryong sintesis mula 1930 hanggang 1950 nang ang isang malawak na kasunduan ay nabuo kung saan ang natural na seleksiyon ang basiko o saligang mekanismo ng ebolusyon.[5][6] Sa binagong anyo, ang pagkakatuklas siyentipiko ni Darwin ang nagsasamang teoriya ng mga agham ng buhay na nagpapaliwanag sa dibersidad ng buhay.[7][8]

Ang simulang interes ni Darwin sa kalikasan ang tumulak sa kanya upang iwananan ang kanyang medikal na edukasyon sa Unibersidad ng Edinburgh; bagkus siya ay tumulong upang imbestigahan ang mga marinong inbertebrato. Ang mga pag-aaral sa Unibersidad ng Cambridge ang humikayat sa kanyang pasyon para sa natural na agham.[9] Ang kanyang limang taong paglalakbay sa HMS Beagle ang nagtayo sa kanya bilang isang bantog na heolohista na ang mga obserbasyon at teoriya ay sumuporta sa mga ideyang unipormitaryano ni Charles Lyell at ang publikasyon ng kanyang hornal sa paglalakbay ay nagpasikat sa kanya bilang isang manunulat.[10]

Bilang palaisipan sa heograpikal na distribusyon ng mga hayop sa kaparangan (wildlife) at mga fossil na kanyang tinipon sa paglalakbay, sinimulan ni Darwin ang detalyadong mga imbestigasyon at noong 1838 ay binuo ang kanyang teoriya ng natural na seleksiyon. [11] Bagaman kanyang tinalakay ang kanyang mga ideya sa ibang mga naturalista, siya ay nangailangan ng panahon para sa masidhing pagsasalisik at ang kanyang kanyang gawang heolohikal ang may prioridad.[12] Kanyang sinusulat ang kanyang teoriya noong 1858 nang si Alfred Russel Wallace ay nagpadala sa kanya ng sanaysay na naglalarawan ng parehong ieya na tumulak sa mabilis na magkasamang publikasyon ng kanilang parehong mga teoriya.[13] Ang akda ni Darwin ang naglatag ng ebolusyonaryong pinagmulan na may pagbabago bilang nananaig na siyentipikong paliwanag ng dibersipikasyon sa kalikasan.[5] Noong 1871, kanyang siniyasat ang ebolusyon ng tao at ang seksuwal na seleksiyon sa The Descent of Man, and Selection in Relation to Sex na sinundan ng The Expression of the Emotions in Man and Animals. Ang kanyang pagsasaliksik sa mga halaman ay inilimbag sa isang serye ng mga aklat at sa kanyang huling aklat, kanyang siniyasat ang mga bulate at ang mga epekto nito sa lupa.[14] Bilang pagkilala sa katanyagan ni Darwin bilang isang siyentipiko, siya ay pinarangalan ng isang malaking seremonyal na puneral sa Westminster Abbey kung saan siya inilibing malapit kay John Herschel at Isaac Newton.[15] Si Darwin ay inilarawan bilang isa sa pinakamaimpluwensiya (most influential) na pigura sa kasaysayan ng sangkatauhan.[16][17]

  1. Coyne, Jerry A. (2009). Why Evolution is True. Viking. pp. 8–11. ISBN 978-0-670-02053-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Larson 2004, pp. 79–111
  3. Coyne, Jerry A. (2009). Why Evolution is True. Oxford: Oxford University Press. p. 17. ISBN 0-19-923084-6. In The Origin, Darwin provided an alternative hypothesis for the development, diversification, and design of life. Much of that book presents evidence that not only supports evolution but at the same time refutes creationism. In Darwin's day, the evidence for his theories was compelling but not completely decisive.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Glass, Bentley (1959). Forerunners of Darwin. Baltimore, MD: Johns Hopkins University Press. p. iv. ISBN 0-8018-0222-9. Darwin's solution is a magnificent synthesis of evidence...a synthesis...compelling in honesty and comprehensiveness{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 van Wyhe 2008
  6. Bowler 2003, pp. 178–179, 338, 347
  7. The Complete Works of Darwin Online – Biography. darwin-online.org.uk. Retrieved on 2006-12-15
    Dobzhansky 1973
  8. As Darwinian scholar Joseph Carroll of the University of Missouri–St. Louis puts it in his introduction to a modern reprint of Darwin's work: "The Origin of Species has special claims on our attention. It is one of the two or three most significant works of all time—one of those works that fundamentally and permanently alter our vision of the world...It is argued with a singularly rigorous consistency but it is also eloquent, imaginatively evocative, and rhetorically compelling." Carroll, Joseph, pat. (2003). On the origin of species by means of natural selection. Peterborough, Ontario: Broadview. p. 15. ISBN 1-55111-337-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Leff 2000, About Charles Darwin
  10. Desmond & Moore 1991, pp. 210, 284–285
  11. Desmond & Moore 1991, pp. 263–274
  12. van Wyhe 2007, pp. 184, 187
  13. Beddall, Barbara G. (1968). "Wallace, Darwin, and the theory of natural selection". Journal of the History of Biology. 1 (2): 261–323. doi:10.1007/BF00351923. ISSN 0022-5010.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Freeman 1977
  15. Leff 2000, Darwin's Burial
  16. "Special feature: Darwin 200". New Scientist. Nakuha noong 2 Abril 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Hart, Michael H. (2000). The 100: A Ranking of the Most Influential Persons in History. New York: Citadel. ISBN 0-89104-175-3. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search