Distritong pambatas ng Pilipinas

Ang mga distritong pambatas ng Pilipinas ay ang pagkakahati ng mga lalawigan at lungsod ng Pilipinas para sa mga kumakatawan sa iba't-ibang lehislatibong katawan nito. Ang mga distritong pang-kongreso ay para sa Kapulungan ng mga Kinakatawan, habang mayroon ding mga distrito ng Sangguniang Panlalawigan, at iilang Sangguniang Panlungsod. Sa layuning pang-kinakatawan, ang Senado, karamihan ng Sangguniang Panlungsod, Sangguniang Bayan, Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ay maaring mahalal sa pang-kabuuan, bagaman mayroon ding distritong pang-senado noon.

Ang unang komposisyon ng mga distritong pambatas ay nabuo sa ordinansang nilakip sa Konstitusyon. Ang mga pagbabago sa komposisyon ng mga distrtiong pambatas ay dinagdag sa pagkakatatag ng mga bagong lalawigan at lungsod, at ang mga pagbabago na ito ay binago sa pamamagitan ng mga batas na ipinasa sa Kongreso.

Ang pagbabahagi sa mga lokal na lehislatura ay maari din.


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search