Eclesiastes

Mga Aklat ng Bibliya
Huwag itong ikalito sa aklat na tinatawag na Eclesiastico, kaya tingnan ang Sirac.

Ang Aklat ng Eclesiastes[1], Aklat ng Ecclesiastes, kilala rin bilang Aklat ng Mangangaral o Aklat ng mga Mangangaral[2] ay aklat sa Bibliyang Hebreo at Kristiyano. Matatagpuan ito sa Lumang Tipan ng Bibliya. Ang pangalang Eclesiastes (Ecclesiastes sa Ingles) ay hango sa saling Griyego ng pangalang Hebreo ng aklat na ito na Cohelet (o Qohelet)[1] na nangangahulugang "isang guro" o "isang mangangaral na nasa isang kapulungan." Isa ito sa mga huling aklat na natanggap sa kanon ng Eskriturang Ebreo. May ilang mga nalalabing kaputol o mga piraso nito ang natagpuang kasama ng Mga Balumbong mula sa Patay na Dagat (Ingles: Dead Sea Scrolls) sa Qumran.[3]

  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Eclesiastes". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Aklat ng mga Mangangaral, Ang Biblia, AngBiblia.net
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Biblia2); $2

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search