Alpabetong Koreano 한글 Hangul o Hangeul 조선글 Chosŏn'gŭl | |
---|---|
Uri | Alphabetong Pitural |
Mga wika | Koreano, Jeju, Cia-Cia, Taiwanes Opisyal na iskrip ng: Timog Korea Hilagang Korea Tsina (Lalawigan ng Jilin: Nagsasariling Prepekturang Koreano ng Yangbian at Koreanong Nagsasariling Kondehang Koreano ng Changbai) |
Lumikha | Sejong ng Joseon |
Panahon | 1443–kasalukuyan |
ISO 15924 | Hang, 286 |
Direksyon | Kaliwa-kanan |
Alyas-Unicode | Hangul |
Karaniwang isinusulat ang Hangul nang pahalang, pakaliwa-kanan. Kung isinusulat nang patayo tulad ang nakaraan, ang sistema ng pagsulat ay itaas-pababa at kadalasang kanan-pakaliwa, ngunit minsan ay itaas-pababa at kaliwa-pakanan.
PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA. |
Ang alpabetong Koreano, kilala bilang Hangul o Hangeul[note 1], IPA [ha(ː)n.ɡɯl], sa Timog Korea o Chosŏn'gŭl, IPA [t͡ɕo̞.sʰʌ̹n.ɡɯɭ], sa Hilagang Korea, ay ginagamit para isulat ang wikang Koreano mula noong kanyang paglikha sa ika-15 siglo ni Haring Sejong ang Dakila.[2][3]
Itong mga ponograma ang opisyal na sistema ng pagsulat ng Korea, kapwa Timog Korea at Hilagang Korea. Kapwa opisyal na sistema ng pagsulat ito sa Nagsasariling Prepekturang Koreano ng Yanbian and Nagsasariling Kondehang Koreano ng Changbai sa Lalawigan ng Jilin, Tsina. Paminsan-paminsan, ginagamit ito para isulat ang wikang Cia-Cia na sinasalita malapit sa bayan ng Baubau, Indonesya. Naglinang at gumamit si Xu Caode (1987), isang dalubwikang Taiwanes para kumatawan sa sinasalitang Hokkieng Taiwanes, at kalaunang sinuporta ni Ang Ui-jin (tingnan ang Hangul Taiwanes).[4][5]
Dati, binuo ang alpabetong Hangul ng 28 titik na may 17 katinig at 11 patinig noong paglikha nito. Dahil naging laos ang apat, binubuo ang makabagong Hangul ng 24 titik na may 14 katinig at 10 patinig. Sa Hilagang Korea, ang kabuuan ay 40. Binubuo ito ng 19 katinig at 21 patinig dahil isinasama rin nito ang 5 tense na katinig (ㄲ ㄸ ㅃ ㅉ ㅆ) at 6 tambalang at hugnayang patinig pati na rin angㅐatㅔ.
Isinusulat ang mga Koreanong titik sa mga blokeng papantig kung saan nakaayos ang mga titik sa dalawang dimensyon. Halimbawa, ang salitang Koreano para sa "pukyutan" (kkulbeol) ay isinusulat bilang 꿀벌, hindi ㄲㅜㄹㅂㅓㄹ.[6] Dahil pinagsama-sama nito ang mga katangian ng mga pang-abakada at papantig na sistemang pagsulat, inilalarawan ito bilang "abakadang pantigan" ng iilang dalubwika.[7][8] Tulad ng tradisyonal na Tsinong pagsulat, kinaugaliang isinulat ang mga Koreanong teksto itaas-pababa, kanan-pakaliwa, at kung minsan, ay isinusulat pa rin nang ganito para sa kanyang istilo. Ngayon, karaniwang isinusulat ito kaliwa-pakanan na may puwang sa pagitan ng mga salita at Kanluraning bantas.[9]
Isinasaalang-alang ito ng ilang dalubwika bilang isa sa mga pinakatapat na sistema ng pagsulat ayon sa ponolohiya na ginagamit sa mundo ngayon. Isang katanigan ng Hangul ay tila ginagaya ng kanyang mga hugis ang hugis ng nagsasalita habang binibigkas ang bawat katinig.[7][9][10]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite book}}
: |journal=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "note", pero walang nakitang <references group="note"/>
tag para rito); $2
© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search