Iglesia ni Cristo

Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)
Watawat ng Iglesia ni Cristo
Klasipikasyon Independent Church
Lugar na sakop 164 mga bansa at mga teritoryo[1]
Nagtatag Felix Y. Manalo (nagpatala sa Pamahalaang Pilipinas)
Lugar ng Pagtatag Hulyo 27, 1914 (pagkakatala sa Pamahalaang Pilipinas)
Punta, Santa Ana, Maynila, Pilipinas
Mga Simbahan 8,500 in 2022 name="Introduction to INC">"Introduction to INC". Iglesia Ni Cristo (Church of Christ). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobiyembre 23, 2013. Nakuha noong Marso 6, 2014. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)</ref> noong Marso 2014
Bilang ng Kasapi walang opisyal na bilang
Bilang ng Ministro 7,205[2]noong 2009
Kawanggawa Felix Y. Manalo Foundation, Inc
Unlad International, Inc
Mga Dalubhasaan New Era University
College of Evangelical Ministry
Opisyal na Websayt www.incmedia.org www.iglesianicristo.net

Iglesia ni Cristo[3] binibigkas na [ʔɪɡˌlɛː.ʃɐ nɪ ˈkɾiːs.to] (Ingles: Church of Christ; daglat INC) ay isang denominasyong Kristiyano na nagmula sa Pilipinas noong 1914 sa pangunguna ni Felix Manalo,[4][5][6] ang kinikilala ng Iglesia ni Cristo na sugo ng Diyos sa mga huling araw.

Si Felix Manalo ang unang tagapamahalang pangkalahatan at nagtatag ng Iglesia ni Cristo.

Nagpapakilala ang Iglesia ni Cristo bilang nag-iisang tunay na iglesya at nagsasabing sila ang muling pagbangon ng orihinal ng iglesya na itinatag ni Hesus at ang ibang simbahang Kristyano.[5][7] Sinasaad ng doktrina ng INC na ang opisyal na pagkakatala ng iglesya sa pamahalaang Pilipinas noong 27 Hulyo 1914 sa pamamagitan ni Felix Y. Manalo na kinikilala nilang Huling Sugo ng Diyos. Naniniwala ang mga kaanib nito na ang iglesyang ito ang katuparan ng mga hula ng Bibliya na ang iglesyang itinatag ni Kristo ay muling babangon sa Malayong Silangan [8][9] at ang pagsapit ng Ikapitong Tatak ay hudyat ng mga huling araw ng daigdig.[10][11] Isinasaad sa bibliya na kung sino ang papasok sa kanilang sambahan ay maililigtas sa pagdating ng paghuhukom.

Noong si Manalo ay sumakabilang-buhay noong 1963, ang Iglesia ni Cristo ay isa nang pambansang simbahan na mayroong 1,250 kongregasyon, at 35 malalaking konkretong katedral.[12] Ang kaniyang anak na si Eraño Manalo ang sumunod na tagapanguna ng simbahan at nanguna sa kilusang pagpapalaganap sa buong mundo hanggang siya ay pumanaw noong 31 Agosto 2009,[13] ang kaniya namang anak na si Eduardo V. Manalo ang humalili sa kaniya bilang tagapamahalang pangkalahatan.[14] Noong 2000, ang senso ng Pilipinas mula sa National Statistics Office ay nakapagtala ng 2.45 bahagdan ng populasyon na nagpapakilalang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo. Dahil dito, ang INC ang sinasabing pangatlong pinakamalaking samahang panrelihiyon sa Pilipinas kasunod ng Simbahang Katoliko (80.6%) at ng Islam (5.6%).[15][16]

Noong Hulyo 2, 2014, idineklara ng pamahalaan ng Pilipinas ang taong 2014 bilang "Taon ng Sentenaryo ng Iglesia Ni Cristo" sa bisa ng Proklamasyon Blg. 815. Inilabas ang proklamasyong ito upang "palawigin ang kabatiran ng mga tao" sa mga naiambag ng INC sa pambansang pagsulong.[17]

  1. "Ipinapakilala ang Iglesia Ni Cristo". Light of Salvation Christian Readings. Hunyo 2013.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Celerino G. Baclaan (Setyembre 2009). "Finishing His Race Victoriously: The Church from 1963-2009". PASUGO God's Mesage. Quezon City, Philippines: Iglesia ni Cristo. 61 (9): 7. ISSN 0116-1636.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The official name of the church with upper case I in Iglesia and C in Cristo and lower case n in ni, as it appears on the copyright notice of the magazine Pasugo - Felix' Message". Pasugo - Message. Quezon City, Philippines: Iglesia ni Cristo. 59 (5). Mayo 2007. ISSN 0116-1636.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang nhi); $2
  5. 5.0 5.1 Adriel Obar Meimban (1994). "A Historical Analysis of the Iglesia ni Cristo: Christianity in the Far East, Philippine Islands Since 1914" (PDF). The Journal of Sophia Asian Studies. Tokyo: Sophia University (12): 98–134. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2016-03-08. Nakuha noong 2014-02-26.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Tipon, Emmanuel (Hulyo 28, 2004). "Iglesia ni Cristo celebrates 90th anniversary"(sininop mula sa orihinal noong 2007-10-13). PhilippineNews.com. Hinango noong Agosto 19, 2005
  7. Anne C. Harper (2001-03-01). The Iglesia ni Cristo and Evangelical Christianity (PDF). The Network for Strategic Missions. pp. 101–119. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2011-09-27. Nakuha noong 2011-06-12.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang incmedia-organization); $2
  9. Palafox, Quennie Ann J. 'First Executive Minister of the Iglesia ni Cristo (Church of Christ)' Naka-arkibo 2012-02-13 sa Wayback Machine. "National Historical Institute"
  10. Anne C. Harper. "Iglesia ni Cristo" (PDF). StJ's Encyclopedia of New Religious Movements. Sacred Tribes Press: 1–3.
  11. Johan D. Tangelder. "Sects and Cults: Iglesia ni Cristo". Reformed Reflections. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-10-03. Nakuha noong 2011-06-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Sanders, Albert J., "An Appraisal of the Iglesia ni Cristo," in Studies in Philippine Church History, ed. Anderson, Gerald H. (Cornell University Press, 1969)
  13. Arlyn dela Cruz (2009-09-02). "Iglesia ni Cristo leader Eraño Manalo dies". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-02-04. Nakuha noong 2011-06-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Aries Rufo (2009-09-02). "No shifts seen when Ka Erdie's son takes over INC". ABS–CBN News. Nakuha noong 2011-10-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Demography". Philippines in Figures (PDF). Manila: National Statistics Office. 2014. p. 27. ISSN 1655-2539. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2014-07-28. Nakuha noong 2014-08-11.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Philippines Naka-arkibo 2015-07-19 sa Wayback Machine., CIA Factbook
  17. Tan, Kimberly Jane (Hulyo 4, 2014). "PNoy forms task force for Iglesia ni Cristo centennial celebration". GMA News. Nakuha noong Hulyo 4, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search