Ilustrado

Ang mga ilustrado: José Rizal, Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce (mula sa kaliwa).

Ang ilustrado ay isang salitang Pilipino at Kastila na may kahulugang "isang taong nakabatid ng kalinawan at kaliwanagan".[1] Nakaaangat sa lipunan ang mga ilustrado ng Pilipinas noong kapanahunan ng mga Kastila. Sila ang mga panggitnang-klase mamamayan na nakapag-aral at nabantad sa mga ideya ng liberalismo at nasyonalismo mula sa Europa. Naghangad ng "mas makataong kasunduang pampolitika at pang-ekonomiya" ang mga Pilipinong ilustrado sa ilalim ng mga Kastila. Sa kaniyang In Our Image: America's Empire in the Philippines (Sa Wangis Natin: Ang Imperyo ng Amerika sa Pilipinas), tinawag ni Stanley Karnow ang mga ilustrado bilang mga "mayayamang grupo ng mga marurunong" (rich intelligentsia) sapagkat ang mga ito ay mga anak ng mga maykayang nagmamay-ari ng lupa. Ikinalat nila ang ideya ng nasyonalismo sa Pilipinas.[1][2][3][4][5][6]

  1. 1.0 1.1 Glossary: Philippines, Area Handbook Series, Country Studies, Federal Research Division, Library of Congress, LOC.gov (undated), retrieved on: 30 Hulyo 2007
  2. Grimsley, Mark. Ang Digmaan sa Pilipinas: 1899–1902, Ohio-State.edu, 1993, 1996 Naka-arkibo 2012-10-09 sa Wayback Machine., isinangguni noong: 1 Agosto 2007
  3. Karnow, Stanley. In Our Image: America’s Empire in the Philippines (Sa Wangis Natin: Ang Imperyo ng Amerika sa Pilipinas), Ballantine Books, Random House, Inc., Marso 3 1990, may 536 na mga dahon, dahon 15. - ISBN 0-345-32816-7
  4. Ang Pag-bangon ng mga Nasa Gitnang-Antas ng Lipunan sa Pilipinas (Ang mga Ilustrado), Mega Essays LLC, MegaEssays.com, 2007, isinangguni noong: 1 Agosto 2007
  5. Pilipinas: Ang Kolonya ng Espanya, Artikulong Pang-estudyante mula sa isang Ensiklopedya, Encyclopaedia Britannica Online, Encyclopaedia Britannica, Inc., Britannica.com, isinangguni noong: 1 Agosto 2007
  6. Ang Kasaysayan ng Pilipinas, Embahada ng Republika ng Pilipinas, Department of Foreign Affairs, PhilippineEmbassy-USA.org (walang petsa) Naka-arkibo 2007-07-13 sa Wayback Machine., isinangguni noong: 1 Agosto 2007

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search