Isaac Newton

Sir Isaac Newton
Pinta ni Godfrey Kneller noong 1689 nang 46 taon gulang si Isaac Newton
Kapanganakan4 Enero 1643(1643-01-04)
[OS: 25 Disyembre 1642][1]
Kamatayan31 Marso 1727(1727-03-31) (edad 84)
[OS: 20 Marso 1726][1]
Kensington, London, Inglatera
NasyonalidadIngles (Briton mula sa 1707)
MamamayanIngles
NagtaposTrinity College, Cambridge
Kilala saMekanika ni Newton
unibersal na grabitasyon
Kalkulo
Optika
Karera sa agham
LaranganPisika, matematika, astronomiya,
likas na pilosopiya, alkimiya,
teolohiya
InstitusyonPamantasan ng Cambridge
Pangharing Lipunan (Royal Society)
Academic advisorsIsaac Barrow
Benjamin Pulleyn[2][3]
Bantog na estudyanteRoger Cotes
William Whiston
John Wickins[4]
Humphrey Newton[4]
ImpluwensiyaHenry More
NaimpluwensiyahanNicolas Fatio de Duillier
John Keill
Pirma
Talababa
Nanay niya si Hannah Ayscough. Kalahating-pamangkin niya si Catherine Barton.

Si Sir Isaac Newton, PRS (25 Disyembre 1642 (OS) – 20 Marso 1727 (OS) / 4 Enero 1643 (NS) – 31 Marso 1727 (NS)) ay isang Ingles na pisiko, matematiko, astronomo, pilosopo, at alkimiko. Isang taong henyo, siya ang tinuturing ng karamihan na isa sa pinakamaimpluwensiyang siyentipiko sa kasaysayan ng agham. Inuugnay siya sa rebolusyong makaagham at pagsulong ng heliosentrismo.

Ang kanyang monograpong Philosophiæ Naturalis Principia Mathematica na inilambag noong 1687 ang naglatag ng mga pundasyon sa karamihan ng mekanikang klasiko. Sa akdang ito, inilarawan ni Newton ang unibersal na grabitasyon at ang tatlong batas ng mosyon. Ang mga konseptong ito ang nanaig sa siyentipikong pananaw ng uniberso sa mga sumunod na tatlong siglo(300 taon). Ipinakita ni Newton na ang mga mosyon(galaw) ng mga obhekto(bagay) sa mundo at ng mga katawang pangkalawakan ay pinamamahalaan ng parehong hanay ng mga natural na batas sa pamamagitan ng pagpapakita ng pag-ayon ng mga batas mosyon ng mga planeta ni Kepler sa kanyang teoriya ng grabitasyon. Ito ang nag-alis ng pagdududa sa pananaw na heliosentrismo(pag-ikot ng mga planeta sa araw) at nagpasulong ng rebolusyong siyentipiko. Ang Principia ang itinuturing na isa sa pinakamahalagang aklat siyentipiko na isinulat.

Sa matematika, si Newton ay kahati ni Gottfried Leibniz sa kredito at karangalan ng pagbuo ng kalkulo. Kanya ring ipinakita ang teoremang binomial ang bumuo ng paraang Newton na pagtatantiya ng mga ugat ng isang punsiyon at nag-ambag sa pag-aaral ng mga seryeng kapangyarihan.

Si Newton ay isa ring napakarelihiyosong tao. Siya ay sumulat ng mas marami tungkol sa hermeneutikong Biblikal at pag-aaral okulto kesa sa agham at matematika. Sikretong itinakwil ni Newton ang Trinitarianismo ng Katolismo dahil sa takot na maakusahan ng pagtanggi sa kautusang banal ng simbahan.

  1. 1.0 1.1 Noong buong buhay si Newton, dalawang kalendaryo ang ginagamit sa Europa: ang Huliyano o 'Lumang Istilo' sa bansang Britanya at bahagi ng hilagang Europa (Protestante) at silangang Europa, at ang Gregoryano o 'Bagong Istilo', na ginagamit ng Romano Katoliko Europa at sa iba pa. Nang pinanganak si Newton, nauuna ng sampung araw ang Gregoryanong petsa sa Huliyanong petsa: kung gayon, ipinanganak si Newton sa Araw ng Pasko, 25 Disyembre 1642 sa kalendaryong Huliyano, ngunit ipinanganak noong 4 Enero 1643 sa kalendaryong Gregoryano. Nang siya ay mamatay, tumaas sa 11 araw ang pagkakaiba ng dalawang kalendaryo.
  2. Dictionary of Scientific Biography, Newton, Isaac, n.4
  3. Gjersten, Derek (1986). The Newton Handbook. London: Routledge & Kegan Paul.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Cambridge". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-05-09. Nakuha noong 2008-11-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search