Linggo (araw)

Ang Linggo (na kilala rin sa mga pangalang Domingo o Dominggo[1]) ay ang una o huling araw ng linggo. Ito ay nasa pagitan ng Sabado at Lunes. Sa ibang mga kalinangan, ito ay ang ikalawang araw ng weekend. Ito ay itinuturing na holiday sa mga lugar na laganap ang Kristiyanismo, ang araw kung kailan nagsisimba ang mga Kristiyano.

Sa talaarawang Gregoryano, walang dantaon ang nagsisimula sa Linggo. Sa Hebrew calendar, walang taon ang nagsisimula sa Linggo. Ang alinmang buwan na nagsisimula sa Linggo ay mayroong Biyernes sa ika-13 araw.

  1. A Handbook and Grammar of the TAGALOG LANGUAGE. 1905.

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search