Mga lungsod ng Pilipinas

Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang lungsod ay isang yunit ng pamahalaang lokal sa Pilipinas. Nakasaad sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991 ang istrukturang administratibo at kapangyarihan ng mga lungsod.

Binigbigyan ang mga lungsod ng mas malaking bahagi sa internal revenue allotment (IRA) kaysa sa mga munisipalidad. Mas nabibigyan din ng awtonomiya ang mga lungsod kaysa sa mga munisipalidad.

Ang lungsod ay pinamumunuan ng isang alkalde na hinahalal sa eleksyon. Ang bise alkalde naman ang umuupong pinuno ng Sangguniang Panlungsod. Mayroon ding iba't ibang departamento ang lungsod upang mas mapaglinkuran nila ang kanilang nasasakupan.

Gaya ng mga munisipalidad, nahahati rin ang mga lungsod sa mga barangay. May ibang lungsod naman na nahahati rin sa mga distrito.


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search