Pilipinas

Republika ng Pilipinas
Republic of the Philippines (Ingles)
Location of Pilipinas
KabiseraMaynila
Pinakamalaking lungsodLungsod Quezon
14°38′N 121°02′E / 14.633°N 121.033°E / 14.633; 121.033
Wikang opisyalFilipino at Ingles
KatawaganPilipino/Pilipina
Pinoy/Pinay (katawagang palasak)
PamahalaanUnitaryong pampanguluhang republikang konstitusyonal
• Pangulo
Ferdinand Marcos Jr.
Sara Duterte-Carpio
Juan Miguel Zubiri
• Ispiker
Martin Romualdez
Alexander Gesmundo
LehislaturaKongreso
• Mataas na Kapulungan
Senado
• Mababang Kapulungan
Kapulungan ng mga Kinatawan
Kalayaan 
12 Hunyo 1898
24 Marso 1934
4 Hulyo 1946
2 Pebrero 1987
Lawak
• Kabuuan
343,448[1] km2 (132,606 mi kuw) (Ika-64)
• Katubigan (%)
0.61[2] (tubig sa kaloobang sakop ng Pilipinas)
Populasyon
• Senso ng 2020
109,035,343 (Ika-13)
• Densidad
363.45/km2 (941.3/mi kuw) (Ika-37)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
$1.384 trilyon
• Bawat kapita
$12,127
KDP (nominal)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
$475.947 bilyon
• Bawat kapita
$4,169
Gini (2021)41.2[3]
katamtaman · Ika-44
TKP (2022)0.710[4]
mataas · Ika-113
SalapiPiso ng Pilipinas (₱) (PHP)
Sona ng orasUTC+8 (Pamantayang Oras ng Pilipinas)
• Tag-init (DST)
UTC+8 (hindi sinusunod)
Ayos ng petsa
  • buwan-araw-taon
  • araw-buwan-taon (AD)
Gilid ng pagmamanehokanan[5]
Kodigong pantelepono+63
Kodigo sa ISO 3166PH
Internet TLD.ph
* Ang Sebwano, Tsabakano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Waray-Waray, Kapampangan, Pangasinan, Aklanon, Ibanag, Ibatan, Kinaray-a, Sambal, Surigaonon, Maranao, Maguindanao, Yakan, Tagalog, at Taūsug ay ang mga auksilar na wikang opisyal sa kanilang sariling rehiyon. Ang Kastila at Arabe ay itinataguyod sa isang pangunahing at kusang batayan.

Ang Pilipinas, opisyal na Republika ng Pilipinas, ay isang malayang estado at kapuluang bansa sa Timog-Silangang Asya na nasa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Binubuo ito ng 7,641 pulo na nahahati sa tatlong kumpol ng mga pulo: Luzon, Kabisayaan (kilala rin bilang Visayas) at Mindanao. Napapalibutan ito ng Dagat Pilipinas sa silangan, Dagat Luzon sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa katimugan. Nasa katimugang bahagi ng bansa ang bansang Indonesya habang ang bansang Malaysia naman ay nasa timog-kanluran. Naroroon sa silangan ang bansang Palau at sa hilaga naman ang bansang Taiwan.

Ang Pilipinas ay matatagpuan din malapit sa Ekwador at sa Singsing ng Apoy ng Pasipiko na siyang dahilan kung bakit madalas tamaan ang bansa ng mga bagyo at lindol. Ang Pilipinas ay may lawak na 300,000 kilometro kuwadrado (115,831 milya kuwadrado), at noong 2021, mayroon itong populasyon na humigit-kumulang 109 milyong katao.[6] Ang Pilipinas ang ikawalong pinakamataong bansa sa Asya at ang ika-labintatlong pinakamataong bansa sa daigdig. Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Maynila at ang pinakamalaking lungsod ay ang Lungsod Quezon; pawang bahagi ng Kalakhang Maynila.

Noong sinaunang panahon, ang mga Negrito ang ilan sa mga unang nanirahan sa kapuluan. Sinundan sila ng pagdating ng mga Austronesyo. Naganap ang pakikipagkalakalan sa mga Intsik, Malay, Indiyano, at mga bansang Muslim. Ang pagdating ni Fernando de Magallanes noong 1521 ay ang pasimula ng pananakop ng mga Kastila. Noong 1543, pinangalanan ng isang Kastilang manggagalugad na si Ruy López de Villalobos ang kapuluan na Las Islas Filipinas (Mga Kapuluan ng Pilipinas) sa karangalan ni Felipe II ng Espanya. Sa pagdating ni Miguel López de Legazpi mula sa Lungsod ng Mehiko noong 1565, naitatag ang unang paninirahan ng mga Kastila sa kapuluan. Naging bahagi ang Pilipinas sa Imperyong Kastila nang mahigit 300 taon. Naging daan ito upang ang Katolisismo ang maging pangunahing pananampalataya. Sa gitna ng kapanahunang ito, ang Maynila ang naging sentro ng kalakalan ng kanluran sa Pasipiko na umuugnay sa Asya sa Acapulco sa Kaamerikahan gamit ang mga galeon ng Maynila.

Noong 1896, sumiklab ang Himagsikang Pilipino, na nagpatatag sa sandaling pag-iral ng Unang Republika ng Pilipinas, na sinundan naman ng madugong Digmaang Pilipino-Amerikano ng panlulupig ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos. Sa kabila ng pananakop ng mga Hapon, nanatili sa Estados Unidos ang kataas-taasang kapangyarihan sa kapuluan hanggang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan kinilala na ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Mula noon, ang Pilipinas ay nagkaroon ng magulong karanasan sa demokrasya, kung saan kabilang ang pagpapatalsik ng diktadurya sa isang di-marahas na himagsikan.

Ang Pilipinas ay isang orihinal na kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan, Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya, ang Ekonomikong Kooperasyon sa Asya-Pasipiko, at ang Pulong-Panguluhan ng Silangang Asya. Nandito rin ang himpilan ng Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya. Itinuturing ang Pilipinas na isang bagong industriyalisadong bansa, kung saan mayroong ekonomiyang nagbabago mula sa isang nakabatay sa agrikultura patungo sa isang mas nakabatay naman sa mga serbisyo at pagmamanupaktura. Isa ang Pilipinas sa tanging dalawang bansa sa Timog-silangang Asya na Kristiyanismo ang pangunahing pananampalataya. Yaong isa ay ang Silangang Timor.

  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-03-17. Nakuha noong 2017-12-28.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Central Intelligence Agency. (2009-10-28). "Silangan at Timog-Silangang Asya :: Pilipinas". The World Factbook. Washington, DC: Author. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-07-19. Nakuha noong 2009-11-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Gini Index". World Bank. Nakuha noong 2 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Human Development Report 2019" (PDF). United Nations Development Programme. 2019. Nakuha noong 9 Disyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Lucas, Brian (Agosto 2005). "Which side of the road do they drive on?". Nakuha noong 22 Pebrero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Cudis, Christine (27 Disyembre 2021). "PH 2021 population growth lowest in 7 decades". Philippine News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search