Rusya

Pederasyong Ruso
Российская Федерация (Ruso)
Rossiyskaya Federatsiya
Awitin: Государственный гимн
Российской Федерации

Gosudarstvennyy gimn Rossiyskoy Federatsii
"Awiting Estatal ng Pederasyong Ruso"
Lupaing saklaw ng Rusya sa lunting maitim at teritoryong inaangkin sa lunting mapusyaw.
Lupaing saklaw ng Rusya sa lunting maitim at teritoryong inaangkin sa lunting mapusyaw.
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Mosku
55°45′21″N 37°37′02″E / 55.75583°N 37.61722°E / 55.75583; 37.61722
Wikang opisyal
at pambansa
Ruso
KatawaganRuso
PamahalaanRepublikang pederal at semi-presidensyal
• Pangulo
Vladimir Putin
Mikhail Mishustin
LehislaturaAsembleyang Pederal
• Mataas na Kapulungan
Konseho ng Pederasyon
• Mababang Kapulungan
Pampamahalaang Duma
Kasaysayan
16 Enero 1547
2 Nobyembre 1721
7 Nobyembre 1917
12 Disyembre 1991
12 Disyembre 1993
Lawak
• Kabuuan
17,098,246 km2 (6,601,670 mi kuw) (ika-1)
• Katubigan (%)
13
Populasyon
• Pagtataya sa 2022
Neutral increase 144,699,673 (ika-9)
• Densidad
8.4/km2 (21.8/mi kuw) (ika-187)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $5.056 trilyon (ika-6)
• Bawat kapita
Increase $35,310 (ika-60)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Decrease $1.862 trilyon (ika-11)
• Bawat kapita
Decrease $13,006 (ika-72)
Gini (2020)36.0
katamtaman
TKP (2021)Increase 0.822
napakataas · ika-52
SalapiRublo () (RUB)
Sona ng orasUTC+2-12
Kodigong pantelepono+7
Internet TLD.ru • .рф

Ang Rusya (Ruso: Россия, tr. Rossiya), pormal na Pederasyong Ruso, ay bansang transkontinental na umaabot mula Silangang Europa hanggang Hilagang Asya. Mula hilagang-kanluran paikot sa kaliwa, hinahangganan nito ang Noruwega, Pinlandiya, Estonya, Letonya, Litwanya, Polonya, Biyelorusya, Ukranya, Heorhiya, Aserbayan, Kasakistan, Tsina, Mongolya, at Hilagang Korea; nagbabahagi rin ito ng mga hangganang pandagat sa Hapon at Estados Unidos. Sumasakop ng lawak na 17,098,246 km2, ito ang pinakamalaking bansa sa mundo, na sumasaklaw ng 11 sona ng oras at 18 bahagi ng lupang matatahanan sa Daigdig. Tinatahanan ng mahigit 145.5 milyong mamamayan, ito ang pinakamataong bansa sa Europa. Ang kabiserang pambansa at pinakamalaking lungsod nito ay Mosku.

Nagsimula ang kasaysayan ng Rusya sa mga bayang Silangang Eslabo, na sumibol bilang isang makikilalang grupo sa Europa sa pagitan ng ika-3 dantaon at ika-8 dantaon. Lumitaw ang Rus ng Kiyeb, ang kanilang unang estado, noong ika-9 dantaon. Pinagtibay nila noong 988 ang Kristiyanismong Ortodokso, isang produkto ng Kristiyanisasyong isinagawa nina Sirilo at Metodiyo, dalawang misyonerong ipinadala mula sa Imperyong Bisantino. Nang maglaon ay nagkawatak-watak ang Rus sa iba't-ibang maliliit na estadong pyudal, kung saan ang pinakamakapangyarihan dito'y ang Prinsipado ng Vladimir-Suzdal na sa kalaunan ay naging Dakilang Dukado ng Mosku. Ito ang naging pangunahing puwersa sa pakikibaka para sa kalayaan mula sa Gintong Horda at muling pag-iisa ng Rusya. Unti-unting napagkaisa ng Mosku ang mga nakapalibot na prinsipado at naging Tsaratong Ruso. Noong unang bahagi ng ika-18 dantaon ay lumawak ito sa pamamagitan ng pananakop, panlulupig, at paggalugad at umunlad sa Imperyong Ruso. Umabot mula Polonya hanggang sa Karagatang Pasipiko at Alaska, ito ang naging ikatlong pinakamalaking imperyo sa kasaysayan. Sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ay nilansag ang monarkiya ng bansa sa Himagsikang Ruso at naitatag ang Republikang Sobyetiko ng Rusya (kalauna'y naging RSPS ng Rusya), ang kauna-unahang estadong sosyalista. Kasunod ng tagumpay ng mga Bolshebista sa digmaang sibil ay binuo ng Rusya, kasama ang Ukranya, Biyelorusya, at Transkaukasya ang Unyong Sobyetiko, na naging isa sa dalawang pinakamakapangyarihang bansa sa panahon ng Digmaang Malamig. Kasunod ng pagkabuwag ng Unyong Sobyetiko noong 1991 ay naging Pederasyong Ruso ang Rusya, itinuturing ito bilang de facto na kahalili sa mga estadong sumunod sa unyon.

Ang sistemang pampamahalaan ng Rusya ay republikang parlamentaryo na binubuo ng walumpu't limang kasakupang pederal. Ang ekonomiya ng bansa ay ang ikalabing-isang pinakamalaki sa mundo ayon sa KDP nominal at ikaanim ayon sa PKB. Nagtataglay ang bansa ng pinakamalaking arsenal ng mga sandatang nukleyar, at nagraranggo bilang ikalima sa bilang ng aktibong hukbo at paggastang pang-militar. Ang malawakang mapagkukunan nito sa mga mineral at enerhiya ay itinuturing bilang pinakamalaki sa mundo; ito ang may pinakamalaking reserba ng mga mapagkukunan ng kagubatan at isang-kapat ng di-nagyelong sariwang tubig. Kabilang ang Rusya sa mga nangungunang tagagawa ng langis at gasolinang natural.

Isa itong kasaping palagian ng Konsehong Panseguridad ng mga Nagkakaisang Bansa; bahagi ng BRICS, G20, APEC, OSKE, at POK; at ang pangunahing miyembro ng mga post-Sobyetikong organisasyon tulad ng SME, OTKS, at EAEU, Nagtataglay ang Rusya ng 30 Pandaigdigang Pamanang Pook na idineklara ng UNESCO.


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search