Utak

Para sa ibang gamit ng katagang utak, tingnan utak (paglilinaw). Para sa impormasyon sa utak ng tao, tingnan ang artikulo nito.
Ang utak ng isang tao.
A brain floating in a liquid-filled glass jar. Yellowing of the handwritten labels on the jar give the object an antique appearance.
Ang utak ng isang chimpanzee.

Sa mga hayop, ang utak (Ingles: brain) ang sentro ng sistemang nerbiyos sa lahat ng bertebrado(vertebrate) at karamihan sa mga inbertebradong(invertebrate) mga hayop. Ang ilan sa mga primitibong inbertebrado gaya ng mga sponge, jellyfish, sea squirt at starfish ang walang utak. Ang utak ay matatagpuan sa ulo na malapit sa pangunahing pandamang aparato gaya ng paningin, pandinig, balanse, panlasa at pang-amoy. Ang utak sa isang bertebrado ang pinaka-masalimuot(complex) na organo sa katawan nito. Sa isang tipikal na utak ng tao, ang cerebral cortex ay tinatantiyang naglalaman ng mga 15-33 bilyong mga neuron na ang bawat isa sa mga ito ay pinagdudugtong ng mga sinapse sa iba pang libo libong mga neuron. Ang mga neuron na ito ay nakikipag-usap sa bawat isa sa pamamagitan ng mahabang mga protoplasmikong mga hibla na tinatawag na mga akson(axon) na nagdadala ng mga tren ng mga pulsong signal na tinatawag na mga aksiyon potensiyal sa mga malalayong bahagi ng utak o katawan na umaasinta sa mga spesipikong tagatanggap na mga selula.

Mula sa pananaw na ebolusyonaryong bioholikal, ang tungkulin ng utak ay upang magsagawa ng sentralisadong kontrol sa mga iba pang organo(bahagi) ng katawan. Ang utak ay umaasal sa iba pang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng paglikha ng mga paterno ng mga gawain ng masel o sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng sekresyon(paglalabas) ng mga kemikal na tinatawag na mga hormone. Ang sentralisadong kontrol na ito ay pumapayag sa mabilisan at koordinatong mga tugon sa pagbabago ng kapaligiran. Ang ilan sa mga pangunahing uri ng pagtugon gaya ng mga repleks ay maaaring ipamagitan ng kordong espinal o periperal ganglia ngunit ang sopistikadong makalayuning kontrol ng pag-aasal batay sa komplikadong pandamang input ay nangangailangan ng nagsasama ng impormasyong kakayahan ng isang sentralisadong utak.

Mula sa isang pananaw na pilosopikal, ang nagpapagawang espesyal sa utak kumpara sa ibang mga bahagi ng katawan ay ito ang bumubuo ng pisikal na istraktura na lumilikha ng pag-iisip. Gaya ng isinulat ni Hippocrates: "Ang mga tao ay dapat malamang wala na sa iba ngunit sa utak ay nagmumula ang kasiyahan, kaluguran, pagtawa, laro, kalungkutan, kapighatian, kawalang pag-asa at pananaghoy." Sa simulang bahagi ng sikolohiya, ang pag-iisip ay inakalang hiwalay sa utak. Gayunpaman, pagkatapos na ang mga sinaunang siyentipiko ay magsagawa ng mga eksperimento, natukoy na ang pag-iisip ay bahagi ng gumaganang utak na naghahayag ng mga ilang pag-uugali batay sa panlabas ng kapaligiran at pag-unlad ng organismo. Ang mga mekanismo kung saan ang gawain ng utak ay nagpapalitaw ng kamalayan(consciousness) at kaisipan ay labis na nakakahamon upang maunawaan. Kahit pa sa mabilis na pag-unlad siyentipiko, ang karamihan sa kung paano kumilos ang utak ay nananatiling isang misteryo. Ang mga operasyon ng mga indibidwal na neuron sa utak ay alam na sa kasalukuyan sa labis na detalye ngunit ang paraan na pagkakaisa ng sama-samang milyong mga ito ay napakahirap na maunawaan. Ang pinakakanais nais na pakikitungo dito ay ang pagtrato sa utak bilang isang biolohikal na kompyuter na labis na iba sa mekanismo ng ibang mga elektronikong kompyuter ngunit katulad nito sa kahulugan na nagkakamit ng impormasyon sa nakapaligid na mundo, iniimbak at pinoproseso ito sa iba't ibang mga paraan.


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search